Melissa Ricks, kontento at buong-buo ang kasiyahan kahit isang Single Mom sa kaniyang anak na si Kiera

Nakilala ang dating aktres na si Melissa Ricks mula nang naging parte ito sa Kapamilya talent show na ‘Star Circle Quest’. Mula roon ay nagkaroon ng iba’t ibang proyekto sa industriya si Melissa at doon nagsimulang ang kaniyang karera sa showbusiness. Matapos ang ilang taon ay hindi na muli pang bumalik ang aktres sa industriya dahil na rin sa ilang mga pangyayari sa kaniyang buhay.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09



Napag-alaman na matapos isilang ng aktres ang kaniyang baby girl na si Kiera ay mag-isa na lamang niya itong itinaguyod dahil hindi rin nag-work out ang kaniyang relasyon sa Ama ng bata.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09
Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Nagsisimula pa lamang ang kaniyang karera sa industriya subalit mas pinili ni Melissa na lumisan muna upang mag-focus sa kaniyang baby girl. Nawala man sakaniya ang kinang ng kaniyang karera sa showbiz, masaya naman at fulfilled ang aktres na naibigay niya ang kaniyang 100% percent sa kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09
Image courtesy: Instagram/mellyricks09

“Yung desisyon mo para makamit ang totoong self love ay hindi lamang para sayo kung hindi para na rin sa anak mo,” pagbabahagi ng aktres.

Bago pa man siya mag-desisyon na maging isang single parent ay marami ang nagbigay ng payo sa kaniya na ayusin ang relasyon nito sa dating kasintahan upang lumaki si Keira na mayroong Ama.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Subalit napag-isip isip ni Melissa na mas mahihirapan silang mag-ina kung pipilitin pa nitong ayusin nasirang relasyon sa dating kasintahan.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09



“Will marrying someone solve my problem or will it make it worse? Case to case basis kasi yan eh. Depends on your partner. For me, I took that choice of leaving and letting it go because I thought it was best for me and my daughter,” kwento ni Melissa sa isang panayam.

Sa huli ay napagtanto nga nito na hindi kasal ang solusyon sa kaniyang mga problema. Sinikap ng aktres na tumayo sa sarili nitong mga paa at mag-isang itinaguyod ang kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09
Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Aminado ang aktres na nahirapan siya sa kaniyang naging desisyon lalo na at single parent lamang ito. Ganoon pa man, marami siyang natutunan at ngayon ay kitang-kita sa kaniyang awra kung gaano siya kasaya kahit na dalawa lang sila ng kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Hindi man nauwi sa kasalan ang relasyon ni Melissa noon sa Ama ng kaniyang anak ay natutunan ng aktres na kailangan muna niyang mahalin ang kaniyang sarili upang matuto niyang mahalin ang ibang tao.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09
Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Isang full-time mom ngayon si Melissa sa kaniyang anak na si Kiera at hands on ito pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniyang anak. Hindi man nito nakamit ang rurok ng pagiging isang aktres, fulfilled at kuntento naman ito sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *