Ikinasal na ang aktres at modela na si Maritoni Fernandez sa kanyang partner na si Mon Dayrit

Kasabihan nga ng mga matatanda na sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Tulad na lamang ng aktres na si Maritoni Fernandez na sa pagkalipas ng 51 taon ay nahanap niya din ang taong kaniyang iibigin at mamahalin habambuhay, at ito nga ay walang iba kundi si Mon Dayrit.

Image courtesy: Maritoni Fernandez-Dayrit/Instagram



Walang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan. Kaya kahit nakakaranas ang buong mundo ng pandemya ay hindi ito naging balakid sa dalawa para magpakasal.

Image courtesy: Maritoni Fernandez-Dayrit/Instagram

Nito lamang Hulyo 7 ay nagpost ang aktres sa kanyang social media account ng larawan nila ni Mon Dayrit na magkasama at makikita sa likod nila ang karatula na may nakasulat na “Nothing Fancy Just Love”. Ito na pala ang araw na ginanap na ang kanilang Civil Wedding Ceremony sa Paranaque City Hall.

Image courtesy: Maritoni Fernandez-Dayrit/Instagram

Marami sa mga tagahanga at netizens ang nagulat at naging masaya sa aktres, madami din ang nagparating ng kanilang pagbati sa bagong kasal na sina Maritoni Fernandez at Mon Dayrit.

Image courtesy: Maritoni Fernandez-Dayrit/Instagram



Sa nasabing larawan ng aktres na pinost sa social media ay merong kasamang sobrang ikli pero cheesy na caption na nagpakilig sa mga netizens at ito ang “My forever (heart emoji),”.

Meron pang isang post na ginawa ang aktres at ito ang kanyang mga sinulat “This is the day the Lord has made. After 51 years, I have found my forever. Today, I became Mrs. Dayrit!”.

Image courtesy: Maritoni Fernandez-Dayrit/Instagram

Pinabatid niya sa post na ito na ang araw ng kanilang kasal na Hulyo 7 ay araw na kung saan napapabilang na sa mga espesyal na petsa sa buhay niya.

Ang edad at taon na meron tayo at lumilipas ay hindi basehan upang maging hadlang sa mga bagay na pwedeng magpasaya sa atin lalo na sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Image courtesy: Maritoni Fernandez-Dayrit/Instagram

Ang tanging hiling namin sa inyo ay magkaroon kayo ng masayang pamilya at gabayan ng Panginoon ang inyong pagsasama bilang mag asawa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *