Ito ang Customized Luxury Van nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla na may sariling CR at convertible bed sa loob

Ang sarap nga naman talaga siguro magkaroon ng luxury van kung saan pwedeng pwede na humiga ang mga pasahero at magkaroon ng mini bar sa loob kung saan pwedeng mag-chill habang stuck sa traffic. Karaniwan natin nakikita na ang mga bigating artista lamang ang nagmamay-ari ng mga luxury van na ito kagaya na lamang nina Vice Ganda, Manny Pacquiao at Kris Aquino.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla



Isa na nga rito ang ang mag-asawang sina Robina Padilla at Mariel Padilla na kamakailan lamang ay siyang ibinahagi ang kanilang customized luxury van nag nagkakahalaga ng ilang milyon dahil na rin sa interior nito.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Ayon sa post ni Mariel sa kaniyang Instagram account, dahil sa sobrang traffic sa Maynila ay nais niyang magkaroon ang kaniyang van ng toilet room upang hindi na nito kailangan pa ng stop-over sa tuwing sila ay dadaan sa edsa.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Ipinasadya niyang ipa-customized ang kanilang luxury van sa Hyundai Philippines kung saan pinalagyan niya ito ng tv upang hindi ma-bored sa tuwing may mahabang byahe ang pamilya. Dinagdagan pa niya ito ng dining table dahil halos araw araw daw itong kumakain sa loob ng sasakyan sa tuwing ito ay may scheduled appointments.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Maging ang upholstery, sound system, blinds at carpet ay kaniyang pinabago upang mas magmukhang malinis at relaxing ang loob nito. Isa rin na magandang feature ng van na ito ay ang maliit na couch kung saan maaari nilang higaan dahil ito ay isang convertible bed.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla



Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Ipinakita rin ni Mariel ang loob ng van na ito kung saan mapapansin na leather seat ang lahat ng mga upuan kung saan kasya ang pito hanggang walo na katao sa loob nito. Simple and minimalist lamang ang disenyo ng loob kung saan mas nagmukha itong malinis at masarap sakyan.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

“Took our Hyundaid H350 for a ride last night!! I was so excited because i had the interior customized for my growing family. I told @tuned_in_style that i only want what is necessary like a tv, a table (because i eat my breakfast in the car everyday) and a toilet! Everyday i spend atleast 4 hours in the car because i live far from my work place so with the manila traffic it is impossible to not pee.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

The blinds, the upholstery, the sound system, the lights the carpet and it even has a little couch that turns into a bed because when I met with them I just found out I was pregnant so I said “I imagine that we will go to Cuyapo and my kids will get sleepy. Gusto ko may matutulugan mga anak ko… I can’t wait to go on a road trip…”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram account nang ibahagi niya ang itsura ng loob ng kanilang luxury van.

Image courtesy: Instagram/marieltpadilla
Image courtesy: Instagram/marieltpadilla

Ang swerte naman ng mga anak ni Mariel! Kahit traffic ay relax lang sila at hindi maiinip dahil napakaganda ng kanilang sasakyan. Pwedeng pwede ang matulog at mag movie marathon habang nasa traffic sa edsa!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *