Ang aktres na si Iwa Motto ay nasasabik nang masilayan ang kaniyang pangalawang anak

Naalala niyo pa ba ang chinitang napakaganda na naging finalist ng “StarStruck”? Ito ay walang iba kundi si Iwa Motto. Si Iwa Moto ay ipinanganak noong Agosto 29, 1988 at kasalukuyang 31 taon gulang. Siya ay unang nakilala sa programang “StarStruck” at naging first runner up ito sa kompetisyon.

Image courtesy: Iwa Motto/Instagram



Nito lamang Hulyo 23 ay nagbahagi ang aktres sa kanyang Instagram account nang litrato ng kanyang ultrasound. Masayang ibinahagi ng aktres ang balita na magkakaroon ng bagong miyembro ang kanilang pamilya na ikinatuwa naman ng madaming netizens.

Image courtesy: Iwa Motto/Instagram

Saad pa ng aktres sa kanyang post sa Instagram na tila kinakausap niya ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan na ang kanyang pamilya ay nasasabik ng makasama at makahalubilo ang kanyang magiging baby.

Image courtesy: Iwa Motto/Instagram

Dagdag pa ng aktres na mag palakas muna ang kanyang anak upang maging handa sa kanyang paglabas, nakiusap din ang aktres na wag nito pahirapin ang kanyang Ina sa oras ng paglabas nito sa kanyang sinapupunan.

Image courtesy: Iwa Motto/Instagram



Base din sa post ng aktres sa kanyang Instagram ay mababasa ang hashtag “#baby2021” na nagpapahiwatig lamang na manganganak ang aktres sa susunod na taon. Hindi naman nagpahuli sa pag komento ang isang kilalang aktres sa post ni Iwa Motto na si Jodi Sta Maria na nagpahatid ng isang mensahe na hindi na ito makapaghintay na masilayan ang magiging anak ni Iwa Motto.

Image courtesy: Iwa Motto/Instagram

Nagkomento din agad ang aktres na si Iwa na mas nauna pa malaman ni Jodi na siya ay nagdadalang tao kaysa sa ama nito.

Image courtesy: Iwa Motto/Instagram

Para sa ating kaalaman, si Iwa at Jodi ay magkaibigan na madalas magbonding kasama ang kanilang mga anak sa kadahilanan na ang partner sa ngayon ni Iwa na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. ay dating asawa ni Jodi Sta Maria at anak nito si Thirdy. Ang pinagbubuntis ng aktres na si Iwa Moto sa ngayon ay ang ikalawang anak nila ni Panfilo “Pampi” Lacson Jr.

Para sa ating kaalaman, si Iwa at Jodi ay magkaibigan na madalas magbonding kasama ang kanilang mga anak sa kadahilanan na ang partner sa ngayon ni Iwa na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. ay dating asawa ni Jodi Sta Maria at anak nito si Thirdy. Ang pinagbubuntis ng aktres na si Iwa Moto sa ngayon ay ang ikalawang anak nila ni Panfilo “Pampi” Lacson Jr.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *