Umusbong sa pagiging isang napakagandang bata ang anak ni Cheska at Doug Kramer na si Kendra

Nagsimulang nakilala at sumikat ang pamilyang kramer simula ng sila ay magbahagi ng kanilang family posts sa social media kung saan marami ang netizens ang natuwa sa kanilang mga cute na mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin.

Image courtesy: Instagram/dougkramer



Halos ilang taon na rin ang nakakalipas simula ng makilala ng mga netizens ang Team Kramer at naging isa sa mga celebrities na may pinakamaraming views sa Youtube at Facebook.

Image courtesy: Instagram/chekakramer

Ito ay dahil na rin sa charming personality at beautiful looks ng kanilang mga anak lalong lalo na ang kanilang panganay na anak na si Kendra Kramer na ngayon ay halos malapit ng tumungtong sa pagdadalaga dahil kamakailan lamang ay kanilang ipinagdiwang ang ika-11 na kaarawan nito.

Image courtesy: Instagram/dougkramer

Mula sa cute and adorable 5 year old kid si Kendra, ngayon ay 11 years old na siya at tila ba papunta na sa pagdadalaga ang kaniyang aura. Suportado ito ni Cheska sapagkat nais niyang iparamdam sa kaniyang anak na si Kendra na importante na makilala ng bata ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pag-suporta nito sa ano mang desisyon nito sa kaniyang style of fashion.

Image courtesy: Instagram/dougkramer
Image courtesy: Instagram/dougkramer



Kitang-kita sa kaniyang mga litrato ang unti-unting pagbloom ng kaniyang kagandahan kahit na ito ay nasa ika-11 na taong gulang pa lamang.

Image courtesy: Instagram/dougkramer
Image courtesy: Instagram/dougkramer

Sa katunayan, nagsisimula na itong magkaroon ng mga admirers lalo na noong nakaraang Valentine’s day matapos nitong makatanggap ng mga bulaklak galing sa kaniyang mga admirers. Bilang gabay sa pagdadalaga, naka-antabay si Cheska sa kaniyang dalawang anak na babae at ipinapaliwanag nito ng maaayos na maaari siyang makaramdam ng kilig sa kaniyang mga admirers ngunit masyado pa silang mga bata para sa mga ganitong bagay.

Image courtesy: Instagram/chekakramer
Image courtesy: Instagram/chekakramer

“Trustworthy, obedient, and responsible daughter this one is. The other day we had a serious talk about character and how it will define the way we deal/handle life, work, the people around us, and even our walk with God. She listened so attentively with much honor and respect for me… She is a person who really loves and honors her parents and one who respects her parents’ wisdom,” pagbabahagi ni Cheska sa kaniyang Instagram account.

Hindi lamang sa panlabas na anyo ang maganda kay Kendra dahil pati ang kalooban nito ay unti-unting namumunga ng kabutihan lalo na ang pagiging isang responsableng anak at mabait na kapatid kay Scarlet at Gavin.

Image courtesy: Instagram/chekakramer

Hindi malayo na maaaring sumunod ito sa yapak ni Cheska sa industriya at maging kasing-ganda niya ang kaniyang Mommy dahil ngayon pa lamang ay napakagandang bata na nito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *