John Prats masayang ibinahagi ang munting paa na litrato ng kanilang ikatlong anak ni Isabel Oli

Sa kabila ng mga problemang kinahaharap ngayon ng buong mundo at mga nangyayari, mayroon pa din blessings na dumadating sa ating buhay. Tulad na lamang ng mag asawang John Prats at Isabel Oli dahil nito lamang Hulyo 17 ay nanganak ang asawa ni Prats na si Isabel Oli.

Image courtesy: John Prats/Instagram

Sa sobrang pagkasabik ay hindi napigilan ng aktor na si John Prats na ibahagi ito sa mundo sa pamamagitan ng social media account. Ayon sa aktor, babae ang kanilang anak ni Isabel Oli at pinangalanan nila itong Forest.

Image courtesy: John Prats/Instagram

Ngunit sa kabila ng matagumpay na panganganak ng aktres ay hindi pala magawang hagkan ng aktor ang kanyang anak kahit na matagal na itong nailuwal mula sa sinapupunan ng aktres. Wala naman naging pahayag o eksplanasyon ang aktor kung bakit hindi niya magawa na hagkan ito.

Image courtesy: John Prats/Instagram

Sa Instagram account ng aktor makikitang nag upload ito ng litrato ng kanyang anak na pinapakita ang napakaliit at cute na paa ng kanyang anak na babae na si Forest.

Image courtesy: John Prats/Instagram

Para sa ating kaalaman, ang ina ni Forest na si Isabel Oli ay isang modelo at aktres tulad ng kanyang ama na si John Prats na kilalang komedyante at aktor. Maalala na nagpakasal ang aktor at aktres noong Mayo 16,2015 at kasaluyang ngayon taon lamang ay tatlo na ang kanilang anak na nagngangalang Feather, Freedom at Forest.

Image courtesy: John Prats/Instagram

Maliban sa pagiging aktor at aktres meron din silang sikat na youtube channel na sinusubaybayan ng madaming netizens. Ayon naman sa mag-asawa na ang una nilang prayoridad ay ang pag-aalalaga nila sa kanilang mga anak at sa isa’t-isa.

Kung atin din maalala na noong nakaraang Father’s day ay may mababasa tayo na mensahe galing kay Isabel Oli para sa kanyang asawa na si John Prats na nagpakilig sa mga netizens. Nito lang din nakaraang Mayo 16 ay nagdiwang ang mag-asawa sa kanilang ika 5 taon ng pagsasama bilang mag- asawa.

Image courtesy: John Prats/Instagram

Madami sa mga netizens ang nagpabatid ng kanilang pagkatuwa at pagbati sa mag-asawa dahil sa matagumpay na panganganak ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *