Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang kanilang pinakaunang Exclusive Beach Resort sa Saranggani Province

Sa isang episode sa Youtube Channel ni Jinkee Pacquiao na kaniyang pinangalanan na ‘Simply Jinkee’, masayang ipinakita nito ang kanilang private rest house sa isang beach sa Saranggani Province na exclusive lamang para sa pamilya ni Manny Pacquiao at sa mga kamag-anak ni Jinkee.

Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao



Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao

Ayon kay Jinkee, dahil sa mga requests ng mga netizens na magkaroon ng house tour sa kaniyang mga private beach resort ay naisipan nito na i-vlog ang kanilang exclusive beach resort sa Saranggani Province habang sila ay naroroon upang magbakasyon.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Makikita sa kaniyang vlog ang aerial view ng kanilang private rest house na napakalawak na may sariling mini house sa gitna ng dagat, private pool na tanaw ang ocean view, iba’t ibang mga rest house kung saan ipinatayo nina Manny at Jinkee ang mga ito upang magkaroon ng privacy ang bawat kamag-anak ng mga ito sa tuwing sila ay magbabakasyon dito.

Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Pitong taon na ang nakakalipas mula ng ipatayo nila ang resort na ito para sa kanilang mga kamag-anak at pamilya. Ito raw ang pinaka-unang private resort na kanilang pinag-ipunan at ipinatayo para sa kanilang mga kapamilya.

Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao



Ang unang bahagi ng resort na ipinakita ni Jinkee ay ang kanilang Master’s bedroom kung saan simple lamang ang disenyo nito dahil mas gusto raw ni Jinkee na puti lamang ang kulay ng kanilang kwarto upang magmukha itong malinis at simple. Mayroon din itong sariling walk-in closet subalit dahil hindi sila madalas magbakasyon sa rest house na ito ay maliit lamang ang espasyo ng kanilang walk in closet.

Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao

Mayroong Villa 1 at Villa 2 ang private resort na ito kung saan ang Villa 1 ay para sa kanilang mga kamag-anak at ang Villa 2 naman ay para sa Pacquiao Family dahil tuwing sila ay magbabakasyon dito ay kasama rin ang pamilya at mga kapatid ni Jinkee.

Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao

Ang isang pinakamagandang parte ng resort na ito ay ang kanilang pool area na nasa harap mismo ng dagat at tanaw na tanaw ang napakagandang view. Infinity pool ang istilo ng swimming pool na ito at dito sila madalas magbonding kasama ng kaniyang mga anak.

Image courtesy: Youtube/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Hanggang ngayon ay nananatiling down to earth ang pamilya Pacquiao at may takot sa Diyos kaya madalas pa rin silang magkaroon ng Bible Study bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na kanilang natanggap. Kaya naman ang isang bonding moment ng pamilya Pacquiao bago nila ipagpatuloy ang kanilang bakasyon sa resort na ito ay sinisigurado nila na magkaroon muna ng Prayer meeting sa kanilang Mini Gazebo na nakapalutang sa gitna ng beach resort.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Ayon kay Jinkee, ito ang isa sa pinakamagandang parte ng resort dahil sa napakagandang view kung saan dito rin sila madalas mag-breakfast at mag-salo salo sa gabi.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Tila hands on si Jinkee sa kanilang mga properties dahil alam na alam niya ang bawat sulok ng kanilang rest house at maalaga ito sa kanilang mga kagamitan. Sinisiguro niya na maganda pa rin ang kanilang mga properties at namamaintain ang dating itsura nito. Napakaswerte nga naman ng pamilya Pacquiao lalong lalo na ang kaniyang mga anak dahil napakarami nilang mga ari-arian na mamanahin pagdating ng panahon.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Bukod pa roon ay mabuting tao ang pamilya Pacquiao at hanggang ngayon ay marunong pa rin ang mga ito na maging humble at magpasalamat sa Panginoon. Sa katunayan, bago pa man magsimula ang vlog ni Jinkee ay ipinaliwanag niya muna sa kaniyang gma viewers na hindi ito nagmamayabang sa kaniyang house tour, request raw ito ng mga netizens at hindi raw nito nais na i-brag o ipasikat ang kanilang kayamanan.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Godbless Pacquiao Family! Stay Humble!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *