Nakatakdang magsilang ng kanilang ikatlong baby ang future wife ni Geoff Eigenmann na si Maya Flores

Nakatakdang manganak ang future wife ni Geoff Eigenmann na si Maya Flores ngayon Nobyembre.
Dahil sa mga nararanasan natin sa ngayon ay maraming mga plano ang hindi natuloy, tulad na lamang ng mag partner na si Geoff Eigenmann na kilalang aktor at Maya Flores na isang singer.

Image courtesy: Geoff Eigenmann/Instagram



May balak sana ang mag partner na magpakasal ngayon taon subalit nagkaroon ng di inaasahang pangyayare na gumulantang na lamang sa atin lahat. Sa kabila ng mga pangyayare na ito hindi nadismaya ang mag partner sapagkat nasasabik na sila sa parating na Nobyemre dahil ito ang buwan na lalabas na sa sinapupunan ni Maya Flores ang pangatlong anak nila ni Geoff Eigenmann.

Makikita ang anunsyo na ito sa kanilang social media account. Sa post ng aktor mababasa na madadagdagan ang populasyon ng bansa sa darating na Nobyembre samanatala ang kanyang asawa naman na si Maya Flores ay nagawang i-share ito sa kanyang social media account at naglagay ng kataga na kung saan sumasang ayon siya sa sinabi ng aktor.

Image courtesy: Geoff Eigenmann/Instagram

Marami sa mga netizens ang nakabasa ng anunsyo na ito ang hindi mapigilan na masabik sa darating na Nobyembre upang masilayan ang magiging anak ni Geoff at Maya.

Matatandaan na nakaraang taon lamang ay nag proposed si Geoff sa kanyang partner na si Maya at nakatakda sana silang ikasal ngayon taon subalit naudlot ito dahil sa pandemya na nararanasan ng bansa. Meron na silang dalawang anak na nagngangalang Beanie na pinanganak noong Septyembre 23, 2017 at Angus na pinanganak naman noong Hunyo 15, 2019.

Image courtesy: Geoff Eigenmann/Instagram

Kung atin din babalikan ang mga iba pang post ng singer na si Maya Flores makikita natin ang isang Family Picture na kung saan pinapakita niya ang malaki niyang tiyan na nagpapahiwatig na malapit na ito manganak.

Image courtesy: Geoff Eigenmann/Instagram



Mayroon din youtube account ang mag partner na kung saan pinaunlakan nila ang mga tanong ng kanilang mga tagasubaybay at tagahanga.

Nagkwento ang singer tungkol sa mga unang taon ng kanilang pagsasama ni Geoff at nagpapasalamat ito na sobrang bait ng aktor at ang haba ng pasensya nito lalo na nang lumabas ang panganay nilang anak na si Beanie.

Image courtesy: Geoff Eigenmann/Instagram

Banat naman ng aktor na ang pagkakaroon ng pamilya ay hindi parang pelikula na laging masaya dahil dumadating din ang part na kung saan nalulugmok sila ngunit hindi nila ito pinapansin dahil alam nila at tiwala sila sa sarili nila na makakaahon sila sa mga ganitong bagay.

Image courtesy: Geoff Eigenmann/Instagram

Hindi din pinagsisihan ng aktor kung ano ang meron siya ngayon sapagkat masaya siya na kasama niya ang kanyang pamilya at kung ano ang natatamasa nila sa buhay nila ngayon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *