Punong-puno ng galak at saya si Sarah Geronimo sa kanyang ikatatlumpu’t dalawang kaarawan

Wala nang mas sasaya pa sa araw ng iyong kaarawan lalo na kung kasama mo ang mga taong mahal mo sa buhay. Nito lamang mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang post ng mga litrato nang kilalang doktor na si Vicky Belo ng kanyang anak na si Scarlet Snow kasama ang mag asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli sa kanyang social media account.

Image courtesy: Vicki Belo/Instagram



Ang nakakamangha dito ay ang lokasyon na kung saan kinuhaan ang litrato at ang tradisyon sa lugar na ito na kung saan kailangan magtanim ng puno ang mga bisita na pumupunta dito, ang lugar na ito ay walang iba kundi ang Amanpulo.

Image courtesy: Sarah Geronimo/Instagram

Ang Amanpulo ay matatagpuan malapit sa isla ng Pamalican sa Palawan at napupuntahan lamang kung ikaw ay mayroon pribadong Jet na pwede mong sakyan. Tinagurian din ang lugar na ito bilang “world’s most VIP island,” dahil tanging mga mayayaman at kilalang tao lamang ang may kakayahan na mapuntahan ang lugar na ito.

Image courtesy: Sarah Geronimo/Instagram
Image courtesy: Sarah Geronimo/Instagram



Ayon sa isang report ni Jennifer Smith ng Mail Online ay nagtungo na dito ang isa sa mga kilalang personalidad at sikat na singer na si Madonna na kung saan nanatili ito ng isang buwan at gumastos ng mahigit kumulang 6.2 milyon na dolyares.

Image courtesy: Sarah Geronimo/Instagram

Maliban sa singer na si Madonna nagpunta na din dito ang iba pang kilalang showbiz celebrity tulad nina Beyonce at dating mag- asawang Brad Pitt at Angelina Jolie, napabalita din na sobrang nagsaya ang mga ito sa isla ng Amanpulo.

Image courtesy: Amanpulo/Instagram
Image courtesy: Amanpulo/Instagram

Maliban sa pagpunta ni Sarah G sa mala-paraisong isla na ito ay nagpabatid din ng kanyang pagbati ang kilalang aktres na si Angel Locsin na nagsasabi na sobra niyang mahal ang singer. Maliban sa mga kaibigan ni Sarah G ay nagbigay din ng regalo ang kanyang mga kasamahan sa Viva pati na rin ang kanyang mga sponsors.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *