Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit na-inlove si Andi Eigenmann sa isang magiting na taga-isla na si Philmar Alipayo

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Andi Eigenmann at kasalukuyang partner na si Philmar Alipayo ang kanilang lovestory sa media sa pamamagitan ng paggawa ng Youtube episode na nakafocus sa kanilang relasyon.

Image courtesy: Youtube/happyislanders



Sa episode ng kanilang Youtube Channel na ‘Happy Islanders’, masayang ibinahagi ng dalawa kung paano nagsimula ang kanilang lovestory at kung ano ano ang mga bagay na kanilang nagustuhan sa isa’t isa.

Image courtesy: Youtube/happyislanders

Nagkakilala ang dalawa ng magpunta si Andi Eigenmann sa Siargao para magbakasyon. Sa tulong ng kaniyang kaibigan ay nagkakilala ang dalawa roon at namangha ang aktres dahil si Philmar ay isa sa mga pinakamagaling at professional surfer sa isla. Nakuha pa ni Andi na siya mismo ang nagpapicture kay Philmar na tila isa siyang fan.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

“Philmar new my name Andi, that I have a lot of followers on Instagram but he wasn’t exactly sure who I was. Like he never saw me on TV… I feel that’s what made me more comfortable with Philmar. Just like me only getting to know him, it’s the same for him because he didn’t know anything about me,” kwento ni Andi.

Image courtesy: Instagram/chepoxz



Ayon kay Philmar, hindi niya talaga kilala si Andi at lalong hindi niya alam na isa pala itong artista dahil hindi naman raw ito masyadong nanunuod ng telebisyon lalo na at ito ay nasa probinsiya.

Ito ang isang bagay na ikinatuwa ng aktres dahil mas naging komportable ito sakaniya at mas naging makatotoo siya sa kanilang sarili. Mas gumaan pa lalo ang loob ng aktres kay Philmar sapagkat nakasundo nito ang kaniyang anak na si Ellie dahil marunong daw makisama si Philmar sa mga bata.

Image courtesy: Youtube/happyislanders
Image courtesy: Instagram/andieigengirl

“Our relationship got stronger. But for me, I really knew that there’s a future because of his relationship with Ellie. Because he’s my friend, I didn’t have to overthink about introducing them,” pagbabahagi ng aktres.

Image courtesy: Instagram/chepoxz

Naging magkasundo ang dalawa sa halos lahat ng bagay at naging madali ang kanilang pagsasama sapagkat mabait at kalog si Philmar kaya walang gaanong drama ang kanilang relasyon.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Sa katunayan, tampuhan at maliliit na bagay lamang raw ang kanilang pinag-aawayan at madalas ay naaayos nila ito agad at hindi na pinapatagal pa. Hindi pa sila nagkaroon ng malalang away dahil madalas na happy life ang kanilang buhay sa Siargao.

Image courtesy: Instagram/chepoxz
Image courtesy: Youtube/happyislanders
Image courtesy: Instagram/chepoxz

Halos ilang taon na rin na nagsasama ang dalawa at ayon kay Andi kasalukuyan silang nagpapatayo ng bahay sa Siargao para sa kanilag growing family kasama si Ellie at Baby Lilo.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *