Ipinagdiwang nina Paolo Contis at LJ Reyes ang kanilang ika-limang anibersaryo

Maliban sa kaarawan, isa din sa mga pinakamahalagang araw na ating inaabangan at ipinagdiriwang ay ang anibersaryo ng taong nagmamahalan. Isa na rito ang magpartner na sina LJ Reyes at Paolo Contis na nag-diwang ng kanilang ika-limang anibersaryo.

Image courtesy: LJ Reyes/Instagram



Ibinahagi umano ng sikat na aktres na si LJ Reyes ang mga larawan nila ni Paolo Contis sa kanyang social media account na may kasamang maiksing mensahe na nagpakilig sa mga netizens.

Image courtesy: Paolo Contis/Instagram

Nagpahayag umano ang aktres ng pasasalamat sa aktor dahil sa pag-gabay at pagmamahal sa kaniya ni Paolo lalong-lalo na sa mga oras na kailangan niya ito. Sa mga panahong magulo ang kanyang pag-iisip sa mga bagay na nangyayari sa kanyang buhay.

Image courtesy: LJ Reyes/Instagram
Image courtesy: LJ Reyes/Instagram



Dagdag pa ng aktres na sobrang bait ng aktor, mahaba ang pasensya at maintindihin lalo na pagdating sa kaniya. Hiling din ng aktres sa kanilang relasyon na sana mas madami pang mga oras ang kanilang magugol sa isa’t isa na walang pagbabago sa kung anuman ang nararamdaman nila.

Image courtesy: LJ Reyes/Instagram

Hindi naman nagpatalo ang aktor na si Paolo Contis, dahil nagpahayag din ito ng pasasalamat at dagdag pa niya na isa siya sa mga pinakaswerte na lalake dahil meron siyang LJ Reyes sa buhay niya.

Image courtesy: Paolo Contis/Instagram

Nagpahayag din ang aktor na maraming pinagdaanan ang aktres na si LJ Reyes para sa kanilang pagsasama at pinakita lamang ng aktres kung gaano siya kalakas upang malagpasan ang mga pagsubok at hamon sa kanila. Saad din ng aktor na ang aktres ang nagbibigay ng kulay, kaligayahan at nagpapalakas ng loob sa kanilang buhay at dagdag pa niya na sobrang mahal niya si LJ.

Image courtesy: Paolo Contis/Instagram

Kung ating matatandaan, ang aktor na si Paolo Contis at LJ Reyes ay mayroon ng anak na babae at ito ay isang taong gulang na at nagngangalang Summer. Meron din umanong panganay na anak na lalake si LJ Reyes sa kanyang dating karelasyon na si Paulo Avelino na si Aki.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *