Kilalanin ang Eldest Daughter ni Regine Tolentino na may Stunning Beauty at Model Look

Sa edad na 39 years old ay nananatiling hot momma ang dancer at designer na si Regine Tolentino. Kung naaalala niyo pa siya, isa siya sa mga pinakamagaling at inaabangan na dancer sa showbusiness sapagkat passion niya talaga ang pagsasayaw.

Image courtesy: Instagram/reginetolentino



Kauna-unahan si Regine Tolentino sa mga artista na ipinakilala ng ABS-CBN kaya noon pa lamang ay kilala na ito at halos ilang taon na siyang aktibo sa industriya ng showbusiness.

Image courtesy: Instagram/reginetolentino

Kahit na isa na itong Mommy sa tatlong anak ay napanatili niya ang hubog ng kaniyang katawan. Sa katunayan, maging ang kaniyang panganay na anak na babae ay nakuha at namana ang stunning looks at hot body ni Regine.

Image courtesy: Instagram/reginetolentino

Mula ng ipagdiwang nila ang ika-18th birthday ng kaniyang anak na si Reigen Maristela, madalas ng subaybayan ng mga fans ng aktres kung susunod ba ito sa yapak ng kaniyang ina sa industriya. 

Image courtesy: Instagram/reigen.maristela
Image courtesy: Instagram/reigen.maristela
Image courtesy: Instagram/reginetolentino

Subalit dahil kasalukuyang nag-aaral pa si Reigen ay mas tutok ito sa kaniyang studies lalo na ngayon na nasa ikalawang taon na siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Mahirap man para sa aktres na isipin na ang kaniyang dating baby girl ay isa ng ganap na dalaga ngayon ay masaya naman siya dahil nananatiling mabait na bata si Reigen.

Image courtesy: Instagram/reigen.maristela



Sa katunayan, kahit napakaraming fans ang natutuwa sa kagandahan ni Reigen at maraming nagpupursige na pumasok ito sa showbiz ay nananatiling humble at simple ito.

Image courtesy: Instagram/reigen.maristela
Image courtesy: Instagram/reigen.maristela

Ayon sa aktres, swerte raw ito sa kaniyang anak dahil hindi ito maluho sa kaniyang magulang at hindi siya show off sa ibang tao. Kahit maipagmamalaki ang ganda ni Reigen ay madalas daw itong nahihiya at ayaw niya na siya ang laging center of attention ng mga tao.

Image courtesy: Instagram/reigen.maristela

Kaya mapapansin sa kaniyang social media accounts na hindi ito gaanong nagbabahagi ng kaniyang mga larawan. Madalas ay mga bagay o lugar ang ipinopost nito sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/reigen.maristela

Subalit kung ito man ay nagbahagi ng kaniyang litrato ay siguradong mapapahanga ka dahil kahit anong anggulo ay napakaganda ni Reigen. Ang kaniyang kagandahan at hubog ng katawan ay tila pang model sapagkat napakatangkad nito at napakagaling pagdating sa kaniyang fashion style.

Image courtesy: Instagram/reigen.maristela
Image courtesy: Instagram/reigen.maristela
Image courtesy: Instagram/reigne.maristela

Katulad ng kaniyang ina na si Regine Tolentino, namana din ni Reigen ang galing sa pagsasayaw at pagiging talented sa design and arts. Di mapagkakaila na maaaring si Reigen ang susunod na magmamanage ng negosyo ng kaniyang ina na kilala na “Regine Tolentino Atelier” na nagsimula pa noong taong 1999.

Image courtesy: Instagram/reigne.maristela
Image courtesy: Instagram/reginetolentino

Sa ngayon ay ipagpapatuloy muna ni Reigen ang kaniyang pag-aaral at wala pang balita kung may balak itong pumasok sa industriya at ipakita ang kaniyang kagalingan sa paghataw.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *