Ibinahagi ni Chito Miranda na maging mapagpasalamat pa rin tayo sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon na ating nararanasan

Noong mga nakaraang buwan naganap ang hindi natin inaasahan at ito ang magkaroon ng quarantine. Sa mga oras na iyon marami sa atin ang nalungkot dahil hindi natin magawa ang mga karaniwang bagay na gusto natin gawin sa labas ng ating mga tahanan.

Image courtesy: Chito Miranda/Instagram



Ngunit nag post sa kanyang Instagram account ang sikat na vocalist na si Chito Miranda na sa halip na tayo ay malungkot ay magpasalamat tayo na kasama natin ang ating pamilya sa loob ng bahay at gugulin ang mga oras na kahalubilo natin sila.

Image courtesy: Chito Miranda/Instagram

Nasabi ito ng sikat na vocalist dahil ito ay kanya mismo napagtanto sa oras ng quarantine, dagdag pa niya na madami sa kanyang mga pinagkakaabalahan ang natigil tulad ng mga lakad niya kasama ang kanyang banda. Napilitan din na magsara ang kanyang restaurant ngunit patuloy pa din sila nagbibigay ng sahod sa kanyang mga empleyado upang matulungan ang mga ito.

Image courtesy: Chito Miranda/Instagram

Sa kabila ng mga pangyayari hindi pa din nawalan ng pag-asa ang vocalist sa halip nanatiling positibo ang pananaw nito sa buhay. Paniniwala ng vocalist na kahit hindi kalakihan ang kanyang kita dahil sa mga kaganapan na nangyari ay masaya naman siya na kasama ang kanyang pamilya sa pang araw-araw.

Image courtesy: Chito Miranda/Instagram



Dahil na din sa kaganapan na ito nakakakain na din ang vocalist ng mga masustansyang pagkain at hindi na niya napapabayaan ang kanyang sarili dahil nandiyan ang kanyang asawa na lage nakasubaybay sa kanya.

Dagdag pa ng vocalist na nabawasan ang pag-aalala ng kanyang asawa na si Neri dahil nasa bahay lang si Chito at araw araw niya ito nakikita dahil kung sabagay mas ligtas tayo kung nasa loob tayo ng sarili natin tahanan kaysa lagi tayo lumalabas.

Image courtesy: Chito Miranda/Instagram

Hindi man natin na kagustuhan ang mga pangyayari na ito, magpasalamat pa rin tayo sa mga pagpapala na atin natatanggap sa araw-araw panapos na sambit ng vocalist na si Chito Miranda.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *