Nag-enroll ang asawa ni Chito Miranda na si Neri Miranda sa Harvard Business School Online

Minsan sa buhay natin hindi mo masasabi na huli na ang lahat lalo na ito ay tungkol sa pagtuklas mo ng mga bagong kaalaman. Dahil walang bagay sa mundo ang imposible na hindi mo matutunan lalo na kung ikaw ay pursigido.

Image courtesy: Neri Naig Miranda/Instagram



Nito lamang Agosto 10 ay masayang ibinahagi ng dating aktres na si Neri Miranda na nakatanggap siya ng Email mula sa Harvard Business School Online na isa na siyang ganap na estudyante.

Image courtesy: Neri Naig Miranda/Instagram
Image courtesy: Neri Naig Miranda/Instagram

Sa Instagram ni Neri makikita ang Email sa kanya ng Harvard na kung saan nakasaad na siya ay masayang tinatanggap ng eskuwelahan upang mag-aral online at ang mga ito ay excited na makasama at makahalubilo ang aktres sa kanilang mga gagawin sa Online Class.

Image courtesy: Neri Naig Miranda/Instagram



Pabiro naman na sinabi ng aktres baka binobola lang naman siya ng mga ito ngunit sa kabila ng lahat ay hindi mapantayang saya dahil sa wakas natanggap na din siya. Saad pa ng dating aktres na si Neri na mahal man at mahirap ang kanyang pinasok ngunit gusto niya ito dahil karagdagang kaalaman at matutulungan pa niya ang kanyang asawa na mapalago pa nito ang kanilang negosyo.

Image courtesy: Neri Naig Miranda/Instagram

Pinaalalahanan din ng aktres ang mga netizens na nakabasa ng kanyang post na wag matakot abutin ang kanilang pangarap kahit gaano pa man ito kahirap dahil para sa kanya na dapat gawin natin ang lahat lalo na pag ginusto natin na maabot ang ating mga pangarap.

Saad pa ng aktres na dapat na mag invest tayo sa ating sarili lalo na kung ang usapan ay bagong kaalaman at wala ito sa edad at hindi pa huli ang lahat.

Image courtesy: Neri Naig Miranda/Instagram

Huwag natin panatilihin na pangarap lamang ang ating pangarap bagkus gawan natin ng paraan upang maabot ang mga ito. Huwag natin iasa sa kapwa tao natin mga bagay na ito sapagkat tayo lamang, ang ating sarili ang may kakayahan upang makamit ang mga mataimtim nating gusto sa buhay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *