Alice Dixson ipinasilip ang kaniyang napakagandang bahay sa isla ng Boracay

Matapos dumagsa ang request, Alice Dixson nagpasya na din na ipakita sa publiko ang kaniyang bahay. Noong una, madami pang naging agam-agam ang aktres kung ipapasilip na niya ang kanyang tahanan sa Boracay.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube



Saad nga ng akres sa kanyang Vlog na noong una pa lamang ay madami na sa kaniyang mga tagasubaybay at tagahanga ang nagrerequest nito, ngunit nito lamang taon siya nakapagdesisyon na pagbigyan niya ang mga netizens.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube

Alam naman natin na namamalagi ang magandang aktres sa manila dahil sa kaniyang trabaho ngunit saad nga niya na maswerte tayo dahil sa ngayon ay nasa Boracay siya upang magpahinga. Masaya niyang inanunsyo sa kanyang vlog na sa wakas ay maipapakita na din niya ang kanyang tahanan sa Boracay.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube

Kung ating matatandaan si Jessie Alice Celones Dixson o mas kilala sa pangalan na Alice Dixson ay isang dating beauty queen na ipinanganak noong Hulyo 28,1969 at kasalukuyang 51 taon gulang at isa siyang Filipino-American na artista at isang commercial model sa Pilipinas.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube

Sinimulang ipakita ni Alice Dixson ang kanyang garahian na kung saan nakapark ang kanyang motorsiklo na ginagamit upang makapamasyal sa isla. Sunod na ipinakita niya ay ang kanyang napakagandang hardin at swimming pool.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube



Image courtesy: Alice Dixson/Youtube

Hindi pa doon nagtatapos, dahil ipinakita din niya ang iba’t ibang parte ng loob ng kanyang bahay tulad ng kusina, mga kwarto at ang kanyang magandang balkonahe.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube

Nabanggit din ni Alice Dixson na paborito niya ang isa sa mga kwarto na kanyang pinasukan dahil ito ang pinakatahimik sa lahat at minsan ang kwarto na iyon ang madalas niyang gamitin lalo na kapag siya ay nagpapahinga, naglalaro, at nag mamake-up.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube

Pinagmalaki din ng aktres ang kanyang balkonahe dahil sa ganda ng tanawin na iyong matatanaw na nagbibigay ng maginhawang pakiramdam na magugustuhan ng kahit sinumang tao. Para sa aktres ay maganda ang lugar na kung saan nakatayo ang kanyang bahay at nakapagbigay umano ito ng maginhawang pakiramdam at maririnig ang banayag na hampas ng alon, saad ng aktres.

Image courtesy: Alice Dixson/Youtube
Image courtesy: Alice Dixson/Youtube
Image courtesy: Alice Dixson/Instagram

Maliban sa bahay niya sa Boracay, ipinakita na din niya ang iba pa niyang ari-arian tulad ng kanyang farm na matatagpuan sa Barangay Cawa sa Buenavista, Quezon Province na talagang hinangaan ng maraming netizens.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *