Dingdong Dantes pinasalamatan ang kanyang asawa at ina pati na rin ang Panginoong Diyos sa pagdiriwang ng kaniyang 40 kaarawan.

Isa sa mga pinakamasayang araw na dumadaan sa ating buhay ay ang ating kaarawan at ito ang araw na madami tayong nais na pasalamatan sa mga taong gumabay sa atin at naging parte ng ating buhay. Tulad na lamang ng aktor na si Dingdong Dantes na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-40 na kaarawan.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram



Nito lamang nagdaang Agosto 2, ay ipinagdiwang ng aktor ang kanyang 40 taon ng kanyang kapanakan na kung saan siya ay lubos na nagpapasalamat sa dalawang babaeng naging parte at napaka-importante sa kanyang buhay at ito ay walang iba kundi ang kanyang ina at asawa. Mababasa sa isang post niya sa kanyang social media account ang isang mensahe na nagpahanga sa mga netizens na nakabasa.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Saad ng aktor na ang kaganapan ngayon sa kanyang kaarawan ay napakalayo sa napagplanuhan na tema dahil nga sa nararanasan nating pandemya. Ang orihinal na plano ay parang Oktoberfest noong 90s ngunit hindi naman inaasahan ang mga pangyayare na nag udlot sa mga planong ito. Sapagkat kahit ganito ang nangyare, lubos pa din ang pagpapasalamat ng aktor dahil sa mga pagpapala na kanyang natatanggap sa buhay.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Ginamit din ng aktor ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang lahat ng tao lalo na ang mga malalapit at importanteng tao sa kanyang buhay.

Makikita at mababasa sa post ng aktor na lubos itong nagpapasalamat sa kanyang ina sa pag bigay ng buhay sa kanya sa mundong ito. Sa ngayon ay nareyalisa niya ang mga paghihirap at sakripisyo ng kanyang ina sa kanila upang maabot lamang nila ang kanilang mga pangarap.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram



Lalo na ngayon na meron na siyang sariling pamilya mas naiintindihan niya ang bigat at responsibilidad ng pagiging magulang. Kung kaya sa bawat oras na lilipas at dadaan ang kanyang kaarawan ay ito din ang araw na kung saan inaalala niya at pinasasalamatan ang kanyang ina dahil sa taglay nitong kabaitan at mapagmahal sa mga anak.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Maliban sa kanyang ina, pinasasalamatan din niya ang kanyang asawa na si Marian Rivera sa pagiging laging nasa tabi niya simula ng sila ay bumuo ng pamilya. Ramdam na ramdam umano ng aktor ang pagiging asawa nito at ina sa kanilang mga anak kung kaya siya ay lubos na nagpapasalamat dito.

At sa huli pinasalamatan din ni Dingdong ang Panginoong Diyos dahil sa mga pagpapala at gabay na binibigay sa kanya upang makamit niya ang mga nais at pangarap niya sa buhay. Patuloy niya umano na titingalain at pasasalamatan ang Panginoon at tatanggapin ang lahat ng plano nito sa kanya para maipagpatuloy pa umano ng aktor ang pagsilbi nito sa Panginoon Diyos.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Pinasalamatan ni Dingdong Dantes ang lahat ng tao na bumati sa kanya at patuloy na sumusuporta sa kanya, panapos na sambit ng aktor.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *