Sheena Halili, sobrang blooming kahit nagdadalang-tao nang dahil na rin sa kaniyang pagiging maalaga sa sarili

Nakakabahala nga naman ang maging expectant mother lalo na ngayong panahon ng pandemya sapagkat napakahirap ng kanilang maaaring maging sitwasyon sa ngayon.

Subalit para sa aktres na si Sheena Halili, nililibang na lamang nito ang kaniyang sarili sa mga bagay na nais niyang pagtuunan ng pansin upang hindi mangamba sa kaniyang sitwasyon at maging healthy para sa kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili



Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Hindi biro ang pinagdaanan ng aktres noong first trimester nito sapagkat labis labis raw ang paglilihi nito kung saan mas nahirapan siya kumpara sa kaniyang ika-22 weeks ngayon.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Kwento ni Sheena, sobrang naging maselan raw ang kaniyang pang-amoy at madalas itong nasusuka noon kaya limitado lamang ang kaniyang mga pagkain. Maging ang kaniyang buhok ay nagsimula raw itong mag-hair fall dahil na rin sa pregnancy hormones na kaniyang pinagdadaanan.

Subalit para sa kaniyang second trimester, mas naging happy mommy si Sheena sapagkat nawala na ang kaniyang pagiging maselan at tila naging blooming na raw ito ngayon mula ng magsimula itong mag-ehersisyo.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili
Image courtesy: Instagram/mysheenahalili



Unti-unting sinanay ng aktres ang kaniyang katawan sa pagkakaroon ng daily activities o workout upang mas maging healthy ang kaniyang anak. Hindi raw kasi maiwasan na minsan ay ma-bored ito sa araw araw lalo na ngayon na nasa bahay lang buong linggo.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Kaya upang maging productive ay madalas na lamang siyang nag-aayos ng kanilang mga gamit sa bahay at nageehersisyo ng dahan dahan para kahit papaano ay may happy hormones na dadaloy sa kaniyang katawan.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili
Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Minsan raw kasi ay napapagod at nanghihina ang aktres lalo na kung nararamdaman nito na unproductive na siya araw-araw. Kaya naman isang bagay na kaniyang ginagawa ay pinapanatili niyang healthy ang kaniyang mind at body para na rin sa safety ni Baby.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Maging pagdating sa skin ng aktres ay maingat ito at maaalaga lalo na ngayon na hindi ito makapunta sa kaniyang favorite spa o derma para magpa-pamper. Kaya naman siya na lamang ang nag-aalaga sakaniyang sarili upang mapanatili nito ang ganda ng kaniyang kutis.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Mapapansin nga naman sa kaniyang mga Instagram posts na sobrang blooming na buntis ni Sheena. Tila ba nababagay sakaniya ang pagdadalang tao dahil napakaganda nito sa ngayon.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili
Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Isang bagay na rin kung bakit lalong nag-bloom ang aktres ay ang pagiging maingat sa pagkain dahil puro healthy food lamang ang kinakain nito at panay ang ehersisyo.

Image courtesy: Instagram/mysheenahalili
Image courtesy: Instagram/mysheenahalili

Kaya naman ibinabahagi ng aktres ang kaniyang pregnany journey sa kaniyang Instagram upang ma-inspire at makatulong sa kaniyang kapwa expectant mothers lalo na ngayong panahon ng pandemya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *