Coleen Garcia, ibinahagi ang ilang tips upang mas maging safe and healthy ang kaniyang pagbubuntis

Makalipas ang mahabang panahon na paghihintay ay nakamit na nga ni Coleen Garcia ang kasagutan sa panalangin nilang mag-asawa na magkaroon ng anak. Maaaring sa paningin ng ilan ay “wrong timing” ito dahil panahon pa mismo na mayroong pandemiya ipapanganak ang bata ngunit para sa aktres at asawa nitong si Billy Crawford, ito ang tamang panahon na inilaan ng Diyos para sa kanila.

Image courtesy: Coleen Garcia Crawford/Instagram



“It might be weird to consider this ‘perfect timing’, but I always try to make sense of why God wanted it this way. I believe He wanted me to really be absorbed in this journey, and to have all the time to focus on this important milestone and transition in my life. I like to keep busy, so had this not been the case, I would have been doing so much,” kwento ni Coleen sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Coleen Garcia Crawford/Instagram

Sa kasalukuyan ay malapit ng manganak ang aktres ngunit kapansin-pansin na napapanatili pa rin nito ang magandang hubog ng kaniyang katawan na isa sa talaga namang hinangaan ng karamihan. Maliban kasi sa kaniyang healthy diet ay regular pa rin ang ehersisyo nito kahit na buntis ito at nasa loob lamang siya ng bahay.

Image courtesy: Coleen Garcia Crawford/Instagram

Ayon kay Coleen, may ilang tips ito para sa maayos na pagbubuntis na kaniyang ibinahagi sa isang panayam.

Una dito ang paggamit ng “maternity pillow”, na malaking tulong upang makatulog ng maayos ang isang buntis na babae sa pamamagitan ng pagsuporta sa lumalaki nitong tiyan habang nakahiga. Nakakabawas din ito ng ngalay sa balakang at likod kaya naman marami sa mga buntis ang gumagamit nito.

Pangalawa ay ang pagbabasa ng mga aklat patungkol sa pagbubuntis. Ayon sa aktres, mahalagang maihanda niya ang sarili para sa pagiging mabuting ina hindi lamang sa mga pisikal niyang ginagawa kundi pati na rin emosyonal.

Image courtesy: Coleen Garcia Crawford/Instagram



Magandang gawain rin ang bagay na ito dahil nabibigyan siya ng panibagong kaalaman kung papaano ang tamang pag-aalaga sa supling na malapit ng lumabas sa kaniyang sinapupunan. Ilan lamang sa mga nabasa ni Coleen ay ang mga aklat na “What To Expect When You’re Expecting” ni Heidi Murkoff at Sharon Mazel at “The Mama Natural Week-by-Week Guide to Pregnancy and Childbirth Book” ni Genevieve Howland.

“I really love Mama Natural. It’s my favorite pregnancy book. It was very encouraging and very informative,” dagdag pa ng aktres.

Panghuli sa kaniyang mga ibinahaging tips ay ang regular na pagkain ng oats, nuts at iba pang pagkain na nakakatulong sa pabubuntis lalo na sa milk production nito.

Image courtesy: Coleen Garcia Crawford/Instagram

Layunin kasi ni Coleen na iwasan ang paggamit ng formula milk para sa kanilang baby dahil mas healthy ang gatas ng ina para sa mga sanggol.

“One thing that I’ve been having a lot of food-wise naman are oats. So oats, nuts, and seeds. It’s really good not just for pregnancy, but also for breastfeeding. I hope to be able to breastfeed for a long time. So I’m going to be attached to my child for a very long time”, pagbabahagi ni Coleen.

Image courtesy: Coleen Garcia Crawford/Instagram

Ang pagbubuntis at pagkakaroon ng panibagong buhay sa sinapupunan ng isang babae ay talaga namang maituturing na isang biyaya mula sa Panginoon kaya naman marapat lang na gawin natin ang lahat para ito ay maalagaan at masigurong nasa maayos na kalagayan habang sila ay lumalaki.

Nawa’y maisilang ni Coleen ang kaniyang baby ng safe and healthy kahit na mayroong pandemya ngayon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *