Ibinahagi ng Volleyball Star na si EJ Laure ang kanilang anak ni Bugoy Cariño ngayong ika-18 taon na kaarawan ng binata

Madalas na nating marinig ang kasabihan na “Age doesn’t matter.” Walang perpektong relasyon, ngunit mayroong pagmamahalan na hindi mabubuwag kahit anong problema pa ang humadlang. Hinding-hindi mo maaaring pigilan ang dalawang taong lubos na nagmamahalan dahil gagawa at gagawa sila ng paraan upang sila’y magtagumpay sa kanilang pagmamahalan.

Image courtesy: EJ Laure/Instagram



Kahit anupaman ang sabihan ng iba, ang dalawang taong nag-iibigan ay walang papakinggan kundi ang kanilang pusong nagbabaga at nag-iinit sa pagmamahal sa isa’t-isa. Napakaraming halimbawa at iba’t-ibang istorya ang ating natunghayan at naranasan sa ating kapaligiran pagdating sa relasyon. Mayroong ibang nagtatagumpay at mayroon namang ibang nasisira.

Tulad na lamang ng istorya ng pagmamahalang EJ Laure, isang sikat na UAAP Volleyball star at ang child star na si Bugoy Cariño na isang mahusay na bata pagdating sa pag-arte at pagsasayaw. Ang kanilang pag-iibigan ay hindi karaniwan nating makikita sa tunay na buhay dahil sila’y mayroong malaking pagitan pagdating sa edad at ang artista na si Bugoy ay kilalang-kilala sa industriya na isang menor de edad pa lamang.

Image courtesy: EJ Laure/Instagram

Ngunit hindi ito naging hadlang upang mas ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan dahil mas nanaig ang love nila sa isa’t-isa at hindi sila nagpatalo sa mga sasabihin ng ibang tao. Gayunpaman, ngayong tumuntong na sa ika-labing walang taong gulang na si Bugoy, malaya na ibinahagi nila na sila’y mayroon nang napakacute na baby.

Image courtesy: EJ Laure/Instagram



Ito ang pagbati na ginawa at ibinahagi ni EJ Laure para sa kaniyang minamahal na si Bugoy:

“Happy Birthday, Mahal, Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni Baby Scarlet! We Love You So Much! Daddy!”

Image courtesy: Bugoy Cariño/Instagram

Mayroon namang tugon si Bugoy para sa kaniyang mahal na si EJ Laure na kaniyang ibinahagi din sa Twitter:

Happy Birthday to me! Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!”

Image courtesy: EJ Laure/Instagram

Kitang-kita sa litrato ang kasiyahan sa mga mata ng dalawang magkasintahan, at ngayong nasa wastong edad na si Bugoy ay maaari na rin nilang gawin ang kahit anong nais nilang gawin basta para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *