Sila ang mga aktres na batang-bata pa ang mga itsura kahit na nasa edad 40 pataas na

Maliban sa kanilang mga talento at pag-uugali ay talaga namang malaking kadahilanan ang magandang pisikal na itsura ng mga artista upang sila ay makilala at patuloy na matandaan ng publiko.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay hindi maiiwasan na ang mga artistang ito ay tumanda at magkaroon ng mga ilang pagbabago sa kanilang pisikal na pangangatawan kagaya na lamang ng pagkakaroon ng wrinkles o di kaya naman ay pagbawas at pagdagdag ng kanilang timbang. Ganoon pa man, hindi ito nagiging batayan para sila ay mawalan ng mga fans.

Kaugnay nito, sadyang mayroong mga aktres na talaga namang masasabi mo na napapanatili nila ang kanilang ‘beauty’ kahit na lumipas na ang ilang dekada.

Ilan sa mga young looking celebrities na ito ay ang mga sumusunod:

1. Aubrey Miles

Image courtesy: Instagram/milesaubrey



Isa sa mga hot momma na ikinamamangha ng mga netizens ngayon ay ang aktres na si Aubrey Miles. Kahit na mayroon na itong tatlong anak ay napanatili nito ang kaniyang slim and fit body dahil na rin sa madalas na pag-workout kasama ang kaniyang partner na si Troy Montero. Isa si Aubrey sa mga aktres na kinagigiliwan ng mga netizens dahil talaga namang blooming and stunning ang aktres na para bang nasa edad 20 pa lamang ito.

Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Image courtesy: Instagram/milesaubrey

2. Angel Aquino

Image courtesy: Instagram/imangelaquino

Kapansin-pansin na halos walang pagbabago sa mukha at tindig ng aktres na si Angel Aquino na kahit sa kabila ng kaniyang edad ay kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga “millennial celebrities” pagdating sa paggawa ng mga pelikula. Ayon kay Angel, regular na ehersisyo at tamang pagkain ang kaniyang ginagawa upang mapanatili ang hubog ng kaniyang katawan. Ang pag-inom din ng tubig sa tamang oras ay isa sa mga sekreto niya kaya wala siyang gaanong wrinkles at soft and supple pa rin ang kaniyang kutis.

Image courtesy: Instagram/imangelaquino

3. Chesca Garcia-Kramer

Image courtesy: Instagram/chekakramer

Ang may-bahay naman ng trending na “Team Kramer” ay hindi rin magpapahuli sa kaniyang ganda na tila hindi kumukupas. Kahit nga tatlo na ang anak nito ay napapanatili pa rin ni Chesca ang kagandahan ng kaniyang mukha. ‘Living vampire’ ang tawag sakaniya ng kaniyang asawa na si Doug Kramer sapagkat para bang hindi nagbago ang kaniyang itsura matapos ang halos sampung taon na pagsasama.

Image courtesy: Instagram/chekakramer



4. Ruffa Gutierrez

Image courtesy: Instagram/iloveruffag
Image courtesy: Instagram/iloveruffag

Pinatunayan nga ng dating beauty queen at model na si Ruffa Gutierrez na “beauty is timeless” at sa edad niya na 46-taong gulang ay patuloy siyang hinahangaan dahil sa kaniyang karisma at fashion sense. Tila ba ang pagiging girly and fashionista ni Ruffa ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon napakaganda pa rin nito.

5. Judy Ann Santos-Agoncillo

Image courtesy: Instagram/officialjuday

Bata pa lamang ay bumida na si Juday sa mga bigating pelikulang Pilipino at kahit na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang iniidolo ng mga tao hindi lamang sa kaniyang talento kundi pati na rin sa kagandahan niyang walang kupas. Marami nga ang nagsasabi na walang halos ipinagbago sa mukha ng dating Juday na kanilang nakilala lalo na ang kaniyang simple beauty.

Image courtesy: Instagram/officialjuday

6. Carmina Villaroel-Legaspi

Image courtesy: Instagram/mina_villaroel

Malalaki na ang kambal na anak ni Carmina ngunit tila ba wala pa ring pagbabago sa kaniyang kagandahan. Kung ano ang itsura noon ni Camina Villaroel sa kaniyang mga 90’s movies ay ganoon pa rin ang kaniyang itsura ngayon. Timeless!

Image courtesy: Instagram/mina_villaroel

7. Sunshine Cruz

Image courtesy: Instagram/sunshinecruz718

Sa tuwing ibinabahagi ni Sunshine Cruz ang kaniyang mga larawan sa kaniyang Instagram account na kasama ang tatlong dalagang anak ay tila ba para lamang siyang Ate ng mga ito sapagkat hindi nagkakalayo ang kanilang beauty ng kaniyang mga anak. Maging sa kaniyang mga pananamit ay bagets pa rin ito at hindi halata na 43 years old na pala ito.

Image courtesy: Instagram/sunshinecruz718

Ilan pa sa mga mayroong timeless beauty sa mga aktres sa industriya ay sina Dawn Zulueta, Ina Raymundo, Gretchen Barretto at Lucy Torres-Gomez. Isa na rin sa dahilan kung bakit napanatili nila ang kanilang mga kagandahan ay dahil na rin sa marangyang pamumuhay at pagmaintain ng kanilang exercise at diet na siyang nakakatulong upang maging healthy and young looking ang kanilang kutis.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *