Kinakiligan ng mga fans ang loveteam na Elisse Joson at McCoy De Leon o mas kilala bilang McLisse

Bilang isang taga hanga at tagasuporta, may kaniya-kaniya tayong kinakikiligang loveteam sa mundo ng showbusiness. Ang ilang halimbawa na lamang dito ay ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barreto), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

Image courtesy: McCoy De Leon/Instagram



Sila ay iilan lamang sa mga naging loveteam sa mundo ng showbusiness at nagpakilig sa maraming Pilipino. Ang isa pa sa mga magloveteam na nagpakilig sa maraming Pilipino ay ang McLisse na binuo nina Mccoy De Leon at Elisse Joson. Sa mga loveteam na ating hinahangaan at kinagigiliwan, anuman ang nangyayari sa kanila ay naaapektuhan din tayo bilang kanilang mga taga-suporta.

Image courtesy: McCoy De Leon/Instagram

Pero anuman ang tahakin at gustuhin nila sa buhay ang tanging magagawa natin ay suportahan sila. Marami ng loveteam ang nagkahiwalay, pero para sa atin sila pa rin ang magkaloveteam. Nagkahiwalay man sila pero ang kasiyahan at kilig na iniwan nila sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ay mananatili sa kanilang mga puso at isipan.

Image courtesy: McCoy De Leon/Instagram

Katulad na lamang ng magloveteam na McLisse na kung saan ay naging usap-usapan ang kanilang break-up at ito ay kanilang kinumpirma nang sila ay mag-guest sa programa ni Boy Abunda na “Tonight with Boy Abunda”. Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang nalungkot sa kanilang nabalitaan, ngunit gayunpaman masaya sila sa kanilang tatahaking landas at yugto ng kanilang buhay.

Image courtesy: McCoy De Leon/Instagram



Image courtesy: McCoy De Leon/Instagram

Ganun pa man, ang malungkot na balita noon, ngayon ay, kasiyahan at kagalakan ang nararamdaman, hindi lang ng magloveteam na McLisse kundi pati na rin ng kanilang mga fans, dahil sa naging post ni Mccoy De Leon sa kaniyang Instagram.

Image courtesy: Elisse Joson/Instagram
Image courtesy: Elisse Joson/Instagram

Wala pa mang malinaw na pag-amin sa dating magkarelasyon, marami na ang natutuwa para sa kanilang dalawa. Sabi nga nila, kung kayo talaga para sa isa’t isa, maghiwalay man kayo o anumang pagsubok ang dumating sa inyo, pagbubukludin ulit kayo ng pagmamahal niyo sa isa’t isa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *