Anne Curtis ipinahayag ang kaniyang pagiging emosyonal ngayong anim na buwang gulang na si Dahlia Amelie

Sino nga bang ina ang hindi nasisiyahang nasisilayang lumalaki ang kanilang anak. Ngunit ang sayang ito ay may kaakibat ding kalungkutan. Sa kanilang paglaki ay mayroong mga bagay na hindi na natin magawa noong mga bata pa sila.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram



Isa na rito ang inang si Anne Curtis na naging madamdamin o nagkaroon ng magkahalong emosyon noong ang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie ay naging anim na buwan na. Sa ganitong okasyon ay hindi mawawala ang photoshoot at kung anu-ano pa mang aktibidad.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Kung kaya naman, kinuhanan ng larawan si Dahlia na kung saan sa tabi nito ay may nakadisenyong halaman na hugis numero 6. Sa bawat paglipas ng taon, sa bawat paggunita ng kaarawan ng mga mahal natin sa buhay, lalo na ng mga pinakamamahal na mga anak, minsan nasasabi nalang ng mga magulang na parang kailan lang ay kakasilang lang nila dito at parang kailan lang ay dinuduyan pa nila sa kanilang mga braso.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Pero kahit ganun pa man, sinasabi pa rin ng mga magulang na lumipas man ang mga araw, buwan at taon, para sa kanila ang kanilang anak ay mananatiling baby parin para sa mag-asawang Anne at Erwan. Hindi lang ang ating ina ang nahihirapan sa pagpapalaki sa mga anak, kundi pati na rin ang mga ama na palaging nandyan at gumagabay din sa paglaki ng kanilang anak.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram



Gaano man kahirap ang maging isang magulang, ito ay hindi nila alintana basta makita nilang masayang lumalaki ang kanilang mga anak. Hindi na din nila pinapansin ang pagod at hirap. Kasi para sa kanila lahat gagawin nila para sa kaligayahan ng kanilang mga anak.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Para sa mga magulang, mahalin at alagaan natin ang ating mga anak, dahil ito ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos para sa mag-asawa at para naman sa mga anak, mahalin at pasalamatan ang mga magulang na nagluwal, nagpalaki, gumabay at sa walang sawang pagbibigay ng kanilang pamamahal at suporta.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram
Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Ipinanganak ni Anne si Dahlia noong Marso 2 sa Melbourne, Australia, na kung saan dito ginugol ng aktres ang kaniyang kabataan bago magpatuloy sa mundo ng showbusiness sa Pilipinas.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *