Marjorie Barretto masayang nagbonding at picnic kasama ang kaniyang mga anak

Sa panahon ngayon, hindi na big deal kung ikaw ay single mom. Maraming single mom ang ginagawa ang kanilang makakaya para masuportahan at maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram



Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram

Hindi madali ang buhay ng isang single mom, kasi dalawang role ang gagampanan mo sa buhay ng iyong mga anak, maging isang ama at maging isang ina. Isa na rito si Marjorie Barretto, na kung makikita naman ay maayos at masaya naman niyang napalaki ang kaniyang mga anak na sina Julia Barretto, Dani Barretto, Claudia Barretto, Leon Marcus at Erich. Si Marjorie Barretto ay isang beteranang artista at kapatid ng mga kilalang tao na sina Claudine Barretto at Gretchen Barretto.

Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram
Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram

At dating asawa ng komedyanteng si Dennis Padilla. Sa pinakabagong update ng vlog ni Marjorie ay itinampok niya ang “BBQ Picnic” kasama ang kaniyang pamilya pati na rin ang garden tour sa kanilang bahay. Nagpasya ang pamilya na magkaroon ng picnic bago bumalik sa paaralan ang kaniyang mga anak.

Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram
Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram



Nakapagjoke si Marjorie sa naging akto ni Julia na kung saan nasabi niya ay huli nang dumating pero siya ang unang nakabuo at nakapaglagay ng mga pagkain sa kaniyang plato. Maliban sa mga ipinakitang masasarap na mga pagkain ay ipinakilala din ni Marjorie ang kanilang katulong at kasama sa bahay.

Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram
Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram

At isa na rito si Manang Ninay na nagtatrabaho sa kanila sa loob ng 17 taon na. Makikita naman na hindi lang sa pamilya mabait at maalaga si Marjorie kundi pati narin sa kanilang mga kasambahay.

Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram
Image courtesy: Marjorie Barretto/Instagram

Kaya maraming mga netizens ang humanga sa pamilya ni Marjorie dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit na ipinakita nila sa kanilang mga kasambahay.

Hindi man buo ang pamilya, mag-isa ka mang nagtataguyod para sa iyong mga anak, ang pinakamahalaga ay maipapakita, maibibigay at maipaparamdam mo sa kanila ay ang iyong buong pagmamahal at suporta. Saludo kami sa lahat ng single mom.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *