“It was God who Orchestrated our love story” Melissa Ricks, masayang ibinahagi na engaged na siya sa kaniyang boyfriend

Magkahalong emosyon ang naramdaman ng dating runner-up ng Star Circle Quest na si Melissa Ricks noong nakaraang mga ilang linggo matapos siyang surpresahin ng kaniyang long-time boyfriend na si Michael Macatangay na nagpropose sa harap ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09



Sa video na kuha ng Nice Print Photography ay makikitang umiiyak na ang aktres bago pa man ito bumaba ng sasakyan at halos hindi makapaniwala sa kaniyang nadatnang surpresa.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Habang abala nga ito sa pagtingin ng mga nakasabit nilang litrato ay siya namang paglapit ni Michael sa kaniyang likuran kasabay ang pagluhod at pag-alay nito ng kaniyang engagement ring sa aktres.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09
Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Maya-maya pa ay sinambit na nito ang mga katagang “Will you marry me?” at agad namang siyang sinagot ng “YES!” ng aktres at mahigpit itong niyakap.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Ilan sa mga naging bisita ay ang aktres na sina Gretchen Fulido, Empress Shuck at ang non-showbiz boyfriend nitong si Vino.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Matatandaang nanggaling sa isang unhealthy relationship ang dating aktres at ayon sa kaniya, isinuko na niya sa Panginoon ang kaniyang buhay-pagibig dahil napapagod na siyang masaktan.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

“Your best days are still ahead of you” this is what Direk Paolo Tesico a friend from church told me. Somehow this made me cry, i held on to that. That was 2 years ago, when i felt everything was falling apart. I was feeling hopeless I didn’t have as much money as I did before, I was a single mom, I was alone, I didnt have work and I was scared, That was when I turned to God, I knew that hindi niya ako papabayaan, hindi niya kami ni Kiera papabayaan.”

Image courtesy: Instagram/mellyricks09



Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Ito nga ang naging daan para makilala niya si Michael sa simbahan at nauwi sa pagiging magkasintahan ang maganda nilang pagkakaibigan.

“…nagbakasali lang ako actually it was more like a thought, ‘Lord baka naman po may ma meet ako dito, yung napagdaan na ang lahat, yung masipag… mabait, mahal ako at mahal anak ko, but most of all takot sa diyos. Sana po may makatabi ko’ I smiled thinking as i prayed. A few months later, I walk into church, like I did every Sunday along with Kiera, and I sat in the front row… right next to Michael.”

Image courtesy: Instagram/mellyricks09
Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Ramdam ni Melissa na si Michael na ang kaniyang mapapangasawa kaya naman lubos-lubos ang kaniyang panalangin sa Diyos na ito ay mangyari.

“He was the one I could rely on.. He was my rock. Its true, rock bottom is where you rebuild your life, Where God will rebuild your life. Sometimes God mixes up your plans, tests your faith. 

Sa katunayan alam ng matalik niyang kaibigan na si Gretchen Fulido ang patungkol dito at siya din ay katuwang ng aktres sa pananalangin.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Matagal nang lumayo ang aktres sa media simula ng mabuntis ito at ipinanganak ang kaniyang unica hija sa kaniyang ex-partner noon na si Charles Togesaki. Subalit hindi nauwi sa kasalan ang dalawa at mag-isang itinaguyod ng aktres ang kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Kaya naman happy siya ngayon na mayroon na muling bubuo sa kaniyang pamilya at mayroon na itong masasandalan sa panahon ng kahirapan at problema.

Kahit na muntik ng mabuking ni Melissa ang surpresa ni Michael sapagkat kapansin-pansin ang kakaiba niyang kilos at hindi pag-uwi ng bahay sa nakagawian nitong oras, masaya pa rin ito dahil nagtagumpay ang matagal na niyang plano kahit na natagalan ito ng konti dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa.

Image courtesy: Instagram/mellyricks09

Sa ngayon ay panatag na ang kalooban ng dalawa at proud si Michael na maipakita hindi lamang kay Melissa kung hindi pati na rin sa anak nito na aalagaan niya ang mag-ina sa hirap at ginhawa.

Congratulations Melissa at Michael!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *