Ibinahagi ni Regine Angeles na magkakaroon na sila ng Baby Girl

Isa sa pinakamagandang regalo sa pamilya ay ang magkaroon ng mga anak. Ito ay biyaya para sa isang mag-asawa. Katulad na lamang ng mag-asawang sina Regine Angeles at Van Victor Leaño na inaasahang magkakaroon ng anak na babae.

Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram



Isiniwalat ng mag-asawa kung ano ang magiging kasarian ng kanilang pangalawang anak sa pamamagitan ng isang simpleng, do-it-yourself celebration na makikita sa Instagram page ni Regine Angeles noong nakaarang Lunes, Agosto 31.

Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram
Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram

Makikita sa maikling bidyo ang pagputok ni Regine sa kulay itim na lobo na hawak-hawak ni Leaño habang karga niya ang kanilang anak na lalaki na si Viktor Alesso. Sa sandaling pagtusok ng aktres ng karayum sa lobo, sumabog mula dito ang kulay rosas na confetti.

Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram



Kaya naman  inihayag ni Regine ang kasarian ng kaniyang anak sa gilid ng mga lobo na may nakasulat na “It’s a girl.” Dahil dito ay biglang ipinahayag ng aktres na buo na ang kanilang pamilya. Maliban sa mga lobo, ay nasiyahan din ang pamilya mula sa isang birthday cake na punong-puno ng isa pang surpresa.

Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram
Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram

Sinira ni Regine at ng kaniyang anak ang ibabaw ng cake sa pamamagitan ng isang martilyo at dito nila nakita ang iba’t ibang klase ng kulay rosas na mga candies na nasa loob. Sa ngayon ay 30 Linggo ng nagbubuntis si Regine sa kaniyang pangalawang anak. Isinawalat ng mag-asawa na una silang umaasa ng isa pang anak noong nakaraang Abril.

Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram

Ikinasal sina Regine Angeles at Van Victor Leaño noong Enero 2016 at ipinanganak ni Regine ang kanilang panganay na anak na si Viktor Alesso noong Oktubre 2017. Bilang mga magulang ay kasiyahan nila ang kanilang mga anak.

Image courtesy: Regine Angeles-Leaño/Instagram

Minsan nasasabi pa ng iilan na kahit anong pagod mo sa trabaho, makita lang nila ang ngiti ng kanilang mga anak ay natatanggal na ang kanilang pagod sa buong araw nilang trabaho.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *