Isinilang ng asawa ni Ed Sheeran ang kanilang kauna-unahang anak na isang Baby Girl

Nito lamang nakaraang Septyembre 1 ang sikat na American singer na si Ed Sheeran ay masayang ibinalita na ipinanganak na ng kaniyang asawa ang kanilang unang anak at ito ay babae. Nag post umano ang singer sa kanyang Instagram account na matagumpay ang panganganak ng kanyang asawa sa tulong ng delivery team na gumabay sa kanila sa proseso.

Image courtesy: Ed Sheeran/Instagram



Sa pagkakataon na ito ay nasilayan ni Ed Sheeran sa unang pagkakataon ang mukha ng kanyang napakaganda at tila anghel na anak na babae. Kasama sa post niya ang larawan ng isang medyas na pambata na nagbigay ng ideya sa mga netizens na matagumpay na nailuwal ang kanilang anak.

Image courtesy: Ed Sheeran/Instagram

Dagdag pa ng singer na sa unang sulyap pa lamang niya sa kaniyang anak ay tila nabighani umano ito sa taglay nitong kagandahan. Nagpapasalamat din ang singer dahil parehong malusog at nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag-ina lalo na nagkataon na ang panganganak ng kaniyang asawa ay may kinakaharap pa na pandemya ang mundo.

Image courtesy: Ed Sheeran/Instagram
Image courtesy: Ed Sheeran/Instagram



Sa post din ng singer humihingi siya sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay na pansamantalang bigyan muna siya ng oras na makasama at maalagaan ang kanyang mag-ina. Pahayag din niya na huwag mag-alala ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta dahil babalik at babalik ang all-time favorite nating singer na si Ed Sheeran sa tamang panahon.

Image courtesy: Sheeran Cherry/Instagram
Image courtesy: Cherry Seaborn Sheeran/Instagram

Kung ating matatandaan hindi masyado makuwento ang singer tungkol sa kanyang personal na buhay lalo na pagdating sa kanyang lovelife. Kalaunan lamang nalaman ng nakararami na ang nag-iisang nagpatibok ng puso ng singer ay walang iba kundi ang kanyang childhood sweetheart na si Seaborn at nito lamang nakaraang taon eksaktong Hunyo 2019 ay nagpakasal ang magkasintahan.

Image courtesy: Cherry Seaborn Sheeran/Instagram
Image courtesy: Cherry Seaborn Sheeran/Instagram

Pagkalipas din ng isang taon ay may kumalat na balita nito lamang Agosto na nagdadalang-tao ang asawa ng sikat na singer. Ang hindi lang nila alam na yung buwan na din na iyon ang kabuwanan ng asawa ni Ed Sheeran.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *