Jennnylyn Mercado pinayuhan ang mga kapwa single mom; ‘We are more powerful than they think we are.’

Nito lamang nakaraang Agosto ay dinipensahan ng kilalang aktres na si Jennylyn Mercado ang mga kapwa niya single mom sa isang mapanirang post sa twitter. Saad nito na huwag na lamang pansinin ang mga ganitong klaseng komento dahil mas malakas umano ang mga single mom.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Twitter



Ang post na ito ng aktres ay may kasamang larawan ng isang netizens na nagpost na kung saan ay mababasa ang hindi kaaya-ayang komento patungkol sa mga single moms.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Dagdag pa ng aktres sa kanyang post na hindi biro ang pagiging single mom, dahil ikaw din mismo ang tatayo bilang ina at ama ng iyong anak. Para sa mga single mom, huwag panliitan ang sarili ang saad ng aktres, dapat maging proud ang mga single mom dahil sa kabila ng mga pagsubok at hirap sa pagpapalaki sa kanilang mga anak ay hindi nila ito sinusukuan.

Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para lamang mabigyan ang mga anak nila ng maganda at maginhawang buhay. At higit sa lahat ay pinaparamdam at pinupuno nila ng pagmamahal ang kanilang mga anak.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Kinaaawaan umano ng aktres ang mga taong pilit na minamaliit ang mga single mom dahil kahit anumang paraan ang kanilang gawin upang siraan ang mga ito ay hindi nila magawa at naipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapalaki sa kanilang mga anak ng tama.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram



Dagdag pa ng aktres na hindi basta-basta maibabagsak ng kahit sino ang isang single mom dahil mas malakas ito kaysa sa kanilang inaakala at mananatiling malakas para sa kanilang mga mahal na anak.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Dahil sa post ng aktres na ito madaming netizens ang humanga at sumama na din sa pagdepensa para sa mga single moms.

Saad ng isang netizen na nagngangalang @charmed_bliss na hindi dapat ang mga babae ang minamaliit kundi ang mga lalaki dahil hindi kaya nito panindigan ang kanilang responsibilidad.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Samantala pinuri umano ng kapwa artista na si Chynna Ortaleza si Jennylyn Mercado dahil sa pagiging single mom at makalaunan nakisimpatiya ito sa pinaglalaban ni Jennylyn Mercado at lahat ng single mom.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram

Kung ating matatandaan, nagkaroon si Jennylyn Mercado ng anak sa dati niyang partner na si Patrick Garcia. Ang anak ng aktres ay ipinanganak noong 2008 at kasalukuyang 12 taon gulang na at nagngangalang Alex Jazz.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *