Ito ang napakasimple ngunit elegante na mansion ni Derek Ramsay

Isa sa pinakasikat na mga youtube content ngayon sa mga artista ay ang pagbabahagi ng kanilang “House Tour” sa kanilang mga fans upang maipakita ang kanilang mga pinagphirapang yaman. Talaga namang nakakamagnha na mapanood ang mga house tour ng mga celebrities na ito sapagkat nakikita natin ang kagandahan ng kanilang bahay pati na rin ang mga mamahaling gamit ng mga ito na minsan na nating pinangarap.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs



Hindi nga magpapahuli dito ang aktor na si Derek Ramsay na noon pa man sa isang show ng Unang Hirit ay ipinasilip na ang ilang parte ng kaniyang ipinapagawang bahay.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Kapansin-pansin ang mga paintings na dekorasyon pati na rin ang mga furnitures na gawa ng mga kilalang local designers kagaya nila Dominic Jenon at Jingoy Buensucesco. Marami nga ang nagsasabi na mala-museum ang bahay na ito ng aktor dahil sa malawak na espasyo at kakaibang arts na makikita mo sa bawat parte nito.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Kamakailan lang ay natapos na rin ang construction ng bahay at ginawan ito ni Derek ng vlog sa kaniyang Youtube channel kasama ang kasintahan at kapwa artista na si Andrea Torres. Pagpasok palang ay makikita ang kanilang automatic sanitizer at mayroon ng nakahandang panloob na tsinelas para sa mga bisita. Nandoon din sa gilid ang isang malaking painting ng babae na gawa ng pintor na si Dominic Jenon, isang lokal artist.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Pinagawan rin niya ng malaking kwarto ang kaniyang mga magulang sapagkat nais niyang makasama ang mga ito sa kaniyang bahay upang mas maalagaan. Subalit mas pinili nilang manirahan na lamang sa Tagaytay dahil sa magandang view doon. Kwento pa nito, mas inuna pa niyang ipinagawa ang kwarto ng kaniyang mga magulang kaysa sa kaniyang kwarto dahil mas excited ito na makasama niya ang mga ito.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Mayroong view ng garden ang magiging kwarto ng kaniyang mga magulang at matatagpuan ito sa babang bahagi ng bahay. Samantala, isang mahabang mesa naman ang piniling ilagay ng aktor para sa kaniyang dining table dahil madalas raw ay napapasarap ang kanilang kwentuhan ng kaniyang pamilya habang kumakain. Katabi lang din nito ang malawak na kusina kung saan madalas na magluto si Andrea.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs



Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Tanaw sa kanilang living area at dining area ang napakasimpleng pool kung saan dito sila madalas mag-relax habang umiinom ng wine. Mayroon ding elevator papunta sa ikalawa at ikatlong palapag ng bahay ngunit sa ngayon ay hindi pa ito gumagana.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs
Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Samantala, matatagpuan naman ang master’s bedroom at ilan pang mga kwarto para sa anak ni Derek pati na ang guest room sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay. Sa bawat kwarto na ito ay makikita ang pagkahilig ng aktor sa mga paintings at art crafts.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Sa katunayan ay nabili niya ang series paintings na umabot sa halos sampung taon bago natapos ng pintor na si Ross Capili. Sa pinakababang bahagi naman ng bahay ni Derek ay nandoon ang kwarto ng mga alaga niyang aso pati na rin ang koleksiyon niya ng mga sasakyan. Nakakamangha na halos may apat itong sasakyan at ilan dito ay luxury cars na kaniyang pinaghirapan.

Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs
Image courtesy: Youtube/Andrekvlogs

Maganda ang over-all look ng bahay ni Derek sapagkat simple lamang ang disenyo nito subalit makikita mo na bawat materyales ay kalidad ang gawa. Ayon sa mga netizens, isa na ito sa pinakamagandang bahay na kanilang napanood sa Youtube sapagkat bukod sa pagiging simple ay nailabas ng kaniyang designer ang pagka-sophisticated look ng dream house ng aktor.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *