Pinasok na rin ni Neri Naig ang Real Estate Business matapos malaman na nais ng ibang tao na sila’y maging kapit-bahay

Sa panahon ngayon, marami sa atin ang nag-iisip kung ano ang pinakamagandang pagkakitaan o gawing negosyo. Samantalang para sa iba naman ay ginagawang pampalipas oras lang para mayroong mapagkaabalahan at hindi mainip.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram



Pero para kay Neri Miranda, ang kaniyang naisip na negosyo ay panibagong karagdagan na naman para sa hanay ng kaniyang mga negosyo. Dahil sa kaniyang tinatamasang magandang kapalaran, ay hindi napigilan ni Neri na magbiro na kung saan ay nasabi niya na may mga taong interesadong hinihingi ang kaniyang payo para sa mga taong nais maging kapitbahay siya.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Lahat tayo may pinagkukuhanan ng inspirasyon at lakas ng kalooban para sa mga nais nating gawin sa buhay, di alintana kung ano man ang magiging kahihinatnan ng mga naging desisyon.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Ito ngang si Neri ay nakakuha ng inspirasyon upang makipagsapalaran na tahakin ang real estate pagkatapos makakuha ng mga katanungan mula sa ibang mga tao, alinsunod sa kanyang post noong Setyembre 2 sa Instagram, kung saan nakikita siyang nakatayo sa isang bakante, sa isang lupaing hindi nalilinang.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram



Kaya naman marami ang nagpaabot ng mensahe kay Neri na gusto nilang bumili ng lupa na nasa Alfonso. Hindi lang negosyo at kita ang pinag-uusapan sa naging negosyo ni Neri pati na rin ang mga taong bibili nito na magiging kapit-bahay.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Para sa maayos na transaksyon ay sinigurado ni Neri sa kanila ang lahat ng kanilang kakailangan mula sa mga tatrabahuin nilang mga papel, mga permit at iba ay ang nasabing kumpaniya ni Neri ang magtatrabaho for a hassle-free dealing.

Dagdag pa ni Neri na ang kaniyang kumpaniya ay nag-aalok na din ng very flexible ways ng pagbabayad, maliban pa rito ay nagbibigay din ng offer para sa mga ina ng oportunidad upang magkaroon ng pagkakataong kumita ng karagdagang kita sa pamamagitan ng mga referrals.

Image courtesy: Neri Naig/Instagram

Dahil uso ngayon ang pambubugos, kaya naman nilinaw ni Neri na ang nasabing kumpaniya ay may kasosyong real estate company, at mayroong lisensyadong brokers.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *