Ibinahagi ni Sanya Lopez ang kaniyang pinaghirapan na ipinatayong Dream house

Aminado ang Kapuso aktres na si Sanya Lopez sa mga sakripisyong ginawa niya upang maisakatuparan ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Masinop niyang inipon ang mga perang kinikita mula sa kaniyang trabaho at kasabay nito ay ang pagdidisiplina sa sarili.

Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram



“Hindi ako mahilig lumabas. Hindi ako mahilig bumili ng bags and shoes unless kailangan.”, pahayag ng 24-taong gulang na aktres. Noon pa man ay pangarap na nitong magkaroon ng sariling bahay lalo na at naranasan niya ang makailang ulit na paglipat-lipat ng tirahan dahil nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang karera bilang isang artista. Sa katunayan sanay siyang manirahan sa maliit na espasyo ng bahay na minsan ay pinaghahatian pa nila ng kaniyang P.A.

Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

“Dati kasi nakatira ako sa maliit na apartment sa Valenzuela hindi halos kasya ang mga gamit. Isang kwarto lang at paglabas mo naroon na lahat . Nasubukan ko din magtiis na umupa sa isang maliit na bahay kasama ang P.A ko at naglalagay nalang kami ng tela para maging pagitan naming dalawa.”, dagdag pa ng aktres sa panayam sa kaniya ng 24-Oras.

Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram
Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram



Samantala, maliban sa pagiging masinop ay ibinunyag rin ng atres na ang matindi niyang ginawa para maisakatuparan ang plano para sa kaniyang dream house ay ang pag-iwas muna sa love life! “Feeling ko talaga malaking factor ang love life sa pag-iipon ko kasi kung sinubukan kong isingit yun siguro baka hindi ako masyado nag-focus.”, pag-amin ni Sanya.

Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay naghanap-hanap na ang aktres ng mga bahay kasama ang kapatid at aktor na si Jak Roberto. Maliban sa malawak na espayo at magandang disenyo ay hanap nila ang bahay na dog-friendly dahil mahilig sila sa pag-aalaga ng mga aso.

Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Sa ngayon ay hindi maitago ang saya at kilig ni Sanya dahil sa wakas ay nabili na niya ang kaniyang dream house at kumpleto na rin ang mga appliances nito na nauna na niyang naipundar. Isa itong 200 sqm na konkretong bahay at mayroong modernong disenyo na matatagpuan sa Quezon City.

Image courtesy: Sanya Lopez/Instagram

Talaga namang epektibo ang mga ginawang sakripisyo ng aktres para mabili ang kaniyang dream house at masaya ang kaniyang mga tagahanga sa bagong blessing sa buhay niya. Ang tanong nga nila, handa na kaya itong tumanggap ng mga manliligaw gayong natupad na ang kaniyang pangarap.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *