Kahit mahirap para kay Rufa Mae Quinto ay patuloy pa rin ang pagpapagawa ng kaniyang bahay sa Pilipinas habang ito ay nasa US

Mahirap para sa komedyanteng aktres na si Rufa Mae Quinto ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon ngayong Pandemya sapagkat sila ay kasalukuyang naiwan sa States at naabutan ng lockdown doon habang naiwan nila ang kanilang bahay sa Pilipinas na kasalukuyan naman nilang ipinapagawa.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto



Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

Wala man roon ang aktres ay tuloy pa rin ang pagpapagawa nito ng kanilang bahay sa Pilipinas upang sa gayon ay sakali man magkaroon sila ng tyansa na makauwi na ng ating bansa ay ready na ang kanilang tahanan.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

Hindi raw madali ang naging sitwasyon ni Rufa sapagkat napakahirap ang magpagawa ng bahay lalo na kung nasa malayong lugar ang nagpapagawa. Mabuti na lamang ay paunti unti na rin daw itong natatapos at nabubuo.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

“Miss ko na ang Pilipinas kong mahal…gusto man namin umuwi, wala akong magagawa kundi mag-extend ng mag-extend para sa safety naming mag-ina.”, pahayag ng celebrity mom sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto



Sa kasalukuyan ay naninirahan sila sa San Francisco, California simula buwan ng Pebrero hanggang ngayon. Noon ay bakasyon lang dapat ang plano nila ng asawang si Trevor Magallanes para ipagdiwang ang Valentine’s Day at ikatlong kaarawan ng kaniyang anak na si Alexandria, ngunit napilitan silang manirahan sa lugar ng mas mahabang panahon para na rin sa kanilang kaligtasan.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

Ganoon pa man, tuloy ang plano at pagpapagawa ng aktres ng bahay na matatagpuan sa Quezon, City.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

“Ito yung bahay sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic nagpapagawa ako ng bahay, habang andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lockdown, stop, close, open, ecq, mcq, gcq, etc… pero sa awa ng Diyos, patapos na ang bahay, naitawad ang lahat. Kakamiss pero wait wait lang… Todo na to! Go go goals! God will provide amen. Ito din yung katas ng labor love.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

Marami man ang naging balakid sa pagpapagawa ng bahay sa Pinas at masaya si Rufa Mae dahil wakas ay natapos na ito at sila nalang ang hinihintay na umuwi.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

Sa katunayan, sa kabila ng pandemya ay unti-unti niya itong napapaganda sa tulong na rin ng kaniyang nakatatandang kapatid na siya na ring naging contraktor. Ayon pa kay Rufa Mae, isa ang bahay na ito sa mga dahilan kung bakit sabik na sabik na siyang manirahan muli sa Pilipinas.

Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto
Image courtesy: Instagram/rufamaequinto

“Ito din ang isa sa dahilan bakit miss na miss ko ang Pilipinas. Salamat sa kuya ko for doing everything and for planning, he is my contractor o diba? Family business din kasi namin constructions. We can do this together yahoo!

Marami man ang naging balakid sa pagpapagawa ng bahay sa Pinas at masaya si Ruffa Mae dahil sa wakas ay natapos na ito at sila nalang ang hinihintay na umuwi.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *