Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak na si Seve na ngayo’y apat na taong gulang na

Magarbo at hindi malilimutang pagdiriwang sa ika-4 na kaarawan ang ibinigay ng mag-asawang Toni at Paul sa araw ng kapanganakan ng kanilang anak na si Seve neto lamang katapusan ng Septyembre.
Ang pagdiriwang na ito ay ginanap sa Monochrome Nuvali sa Sta. Rosa Laguna na pinuntahan ng kanilang pamilya.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram



Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Ang mga kaganapan sa araw na iyon ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account at makikita naman na sobrang saya ng kanilang anak na si Seve. Hindi din maipagkakaila ang kasiyahan na makikita din sa mukha ng mag-asawa na nakikitang masaya ang kanilang anak.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram
Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Ang nasabing larawan ay may pahayag rin na nakalagay. Maliban sa maraming araw na masaya at magkasama ang pamilya, sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang anak ay isa ito sa pinaka- paborito ng mag-asawang Toni at Paul dahil ito ang araw na isinilang sa mundo ang kanilang munting-anghel na nagbibigay ng kasiyahan at kagalakan sa kanilang dalawa at sa buo nilang pamilya. Nakasaad din sa kapsyon na iyon kung gaano nila kamahal ang kanilang anak na si Seve.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Maliban sa naunang post ng aktres na binabati niya ang kanyang anak ng maligayang kaarawan ay mayroon pang isang post umano ito na kung saan mapapanood natin na si Seve na sumasayaw sa kanyang party.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram



Mababasa sa post na ito ang mga katagang hinihikayat ni Toni ang kanyang anak na si Seve na ipagpatuloy lang umano nito ang kaniyang ginagawa.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Dagdag pa ng aktres sa kanyang post na habang-buhay ay bihag ng kanyang anak ang kanyang puso na nagpapahiwatig lamang ng sobrang pagmamahal umano ni Toni sa kanyang anak na si Seve.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Makikita din ang isang larawan na kasama ng mag-asawa ang kanilang mga bisita na mapapansin ang hindi mapantayang kagalakan sa kanilang mga mukha. Sa loob ng 5 taong pagsasama bilang mag-asawa nina Toni at Paul ay si Seve ang naging bunga ng matamis nilang pagmamahalan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *