Manny at Jinkee Pacquiao, magarbong ipinagdiwang ang ika-14 na kaarawan ng kanilang anak na si Mary Pacquiao

Nito lamang nagdaang katapusan ay nagdiwang ng ika-14 na kaarawan ang anak ng pambansang kamao na si Mary at sinigurado umano ito ni Manny at ng kanyang asawa na si Jinkee na mapapasaya nila ang kanilang Prinsesa sa pinakamahalagang araw nito.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Isang masaya, makabuluhan at ispiritwal na pagdriwang ang naganap sa araw na iyon dahil ipinagdasal ng pambansang kamao at ipinagpasalamat sa Panginoon ang lahat ng pagpapalang tinanggap at matatanggap ng kanilang anak, gayundin ang paggabay nito sa kanilang Prinsesa.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Talaga namang kakikitaan natin ang pamilyang Pacquiao ng ganitong gawain dahil sa kanilang pagiging makadiyos.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Makikita din sa isang Instagram post ni Jinkee na masayang-masaya ang kanilang anak na babae sa araw ng kanyang kaarawan at maliban dito may kasama pang caption ang post na nagpapaabot ng kanilang pagbati at nagsasaad kung gaano nila kamahal ang kanilang anak na si Mary.

Siguro naman na madami sa atin ang nakakakilala sa ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao na tinaguriang Greatest Boxer of all-time, na nagpanalo na 8 titulo sa larangan ng boksing kalaban ang iba’t ibang lahi sa buong mundo.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Maliban sa pagiging boksingero ay naglilingkod din ito sa ating bayan bilang isang senador sa mga Pilipino na talaga namang hinahangaan ng karamihan at kilala din ang boksingero sa pagiging mapagbigay at mapagmahal sa kapwa.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Syempre hindi din natin malilimutan ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao at ang kanilang mga anak na sina Emmanuel, Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Maliban sa mga kaganapan na ito, madami na ding beses na naging usap-usapan ang asawa ng pambansang kamao na si Jinkee Pacquiao dahil sa kanyang mga Vlogs na nagpapakita ng kanilang lifestyle.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Nito nga lamang mga nakaraang buwan ay nag-bahagi ito ng isang Vlog na kung saan pinapakita umano nito ang isang mamahaling Relo na nagkakahalaga ng 16.3 milyon at ang kanyang mga kolesyon na halaman.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *