Nasurpresa ang aktres na si Empress Schuck sa Wedding Proposal na inihanda ni Vino kasabay ng kaarawan ng kanilang anak

Matagal na ang relasyon ng aktres na si Empress Shuck sa apo ng dating Bise Presidente Teofisto Guingona Jr. na si Vino Guingona. Sa paglipas ng mahabang panahon ay naging matatag ang kanilang pagsasama at noong taon ng 2016 ay isinilang ni Empress ang anak nilang babae na si Athalia.

Image courtesy: Instagram/itsempressita



Sa kasalukuyan ay hindi na aktibo si Empress sa kaniyang karera bilang artista ngunit sa kabila nito ay patuloy pa ring nasusubaybayan ng mga tagahanga ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng mga posts niya sa social media. Naging focus na lamang ito sa kaniyang pribadong buhay at sa pagpapalaki ng kaniyang anak na si Athalia.

Image courtesy: Instagram/itsempressita
Image courtesy: Instagram/itsempressita

Noon lamang nakaraang linggo ay masaya nitong ibinahagi sa kaniyang Instagram account na successful ang ginawa nitong surprise birthday party para kay Athalia.

Image courtesy: Instagram/itsempressita

Lubos ang kasiyahang nadama ni Empress na-appreciate ni Athalia ang birthday celebration niyang ito kung saan halos maiyak sa tuwa ang bata para sa kaniyang kaarawan.

Image courtesy: Instagram/itsempressita

Subalit hindi lamang si Athali ang nasurpresa, sapagkat sinorpresa rin ni Vino ang aktres sa pamamagitan ng paghayag ng kaniyang wedding proposal para dito.

Image courtesy: Instagram/itsempressita

“And so this day has become even more special…It’s not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention”, pagkukwento ng dating aktres sa kaniyang inspiring message sa Instagram.

Image courtesy: Instagram/itsempressita



“Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way.”, dagdag pa nito.

Image courtesy: Instagram/itsempressita

Ayon kay Vino, mahigit dalawang buwan na rin niyang hawak ang singsing at naghahanap lamang siya ng tamang pagkakataon kung kailan gagawin ang wedding proposal at napagdesisyunan niya ngang gawin ito sa mismong kaarawan ng kanilang anak para mas lalo itong maging memorable sa kanila. Nandoon rin sa pagdiriwang ang pamilya ni Empress na masayang-masaya para sa panibagong yugto sa buhay ng kanilang anak.

Image courtesy: Instagram/itsempressita
Image courtesy: Instagram/itsempressita

“You said you had it 2mos ago and didn’t really know when to do it. On this day you woke up and felt this is the right time.

When I said yes, you hugged me right away and forgot to put the ring on haha which I think is sweet cos the ring didn’t matter. What mattered the most was my answer…”

Image courtesy: Instagram/itsempressita

A new chapter begins for me… And I know by walking with God together, we are on the right path. The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right in his eyes and that’s what we’re going to do real soon”, mensahe ni Empress para kay Vino.

Image courtesy: Instagram/itsempressita

Samantala, sunod-sunod naman ang pagbati na natanggap ng dalawa mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan lalong-lalo na mula sa kanilang mga fans. Ang ilan nga ay hindi na makapag-antay na makitang maglakad patungo sa altar ang soon-to-be bride na si Empress.

Image courtesy: Instagram/itsempressita

Congratulations sa inyo Empress and Vino!!!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *