Cristine Reyes nangakong hindi bibigyan ng malungkot na memorya si Amarah sa buong kabataan nito

Bilang isang magulang ay ginagawa natin ang ating tungkulin para mabigyan ng maganda at masayang ala-ala ang ating mga anak habang sila ay lumalaki. May kaniya-kaniya tayong paraan para maibigay ang lubos na kasiyahan para sa ating mga anak. Hindi natin alintana kung ano ang sasabihin ng ibang tao kasi ang iniisip natin ang ikasisiya ng ating mga anak.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram



Hindi natin maikakaila na minsan may ginagawa o may nagagawa tayong mga bagay at sinasabihan tayo ng ibang tao na may pagkakahawig tayo sa ating mga magulang. Pero para sa maganda at hinahangaan nating aktres na si Cristine Reyes, sinasabi niyang magkaiba sila ng anak niyang si Amarah, dahil kung gaano siya katahimik noong kabataan niya ay kabaliktaran naman ng kaniyang anak na si Amarah na ubod ng daldal.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Ani nang aktres ng siya ay mag-guest sa programang “Usapang Real Life”, ang anak niya ay sobrang madaldal na tipong nakikipagsabayan na ito sa kanyang teacher kung kaya napapagsasabihan umano ito na makinig muna bago mag-salita o pag-bigyan muna ang kanyang ibang kaklase na makipag-participate sa mga diskusyon sa kanilang klase.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Naidugtong pa ng aktres na malaki ang kanilang pagkakaiba sa isa’t-isa at hindi niya malaman kung bakit ganoon na lamang ang kanyang anak na si Amarah. Saad din ng aktres na kahit gaano man kadaldal ang kanyang anak ay sobra niya itong mahal dahil ito ang nagpunan sa mga bagay na kulang sa kanyang sarili sarili.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram



Saad pa ng aktres na nabuo ang buhay niya ng dumating sa kanya si Amarah at nagbago ang pananaw nito sa buhay at mas naintindihan niya ang tinatawag na pagmamahal.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Dagdag pa ng aktres na hindi na lang puro sa sarili niya nakaikot ang mga desisyon niya sa buhay kundi para na sa kanyang anak at hindi na tulad ng dati na tila para wala lang ang mga bagay sa kanya sa oras na siya ang mag-desisyon.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Hindi din ipinagkaila ng aktres na malaki ang kanyang pinagbago, dahil noon akala niya na ang buhay ay umiikot lamang sa mga materyal na bagay ngunit habang tumatagal ay pakiramdam niya na meron pang kulang.

Image courtesy: Cristine Reyes/Instagram

Simula nang dumating sa kaniya si Amarah at ito ay kasalukuyang 5 taong gulang, nangako ang aktres na ipaparanas niya lahat ng kasiyahan na pwedeng maramdaman ng kanyang anak na hindi umano niya naramdaman ng siya ay bata pa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *