Dimples Romana ibinahagi na nakapagpatayo siya ng bahay ng dahil sa mga dumaan niyang matagumpay na roles sa telebisyon

Sa buhay, hindi natin alam kung saan tayo pwedeng dalhin ng ating kapalaraan. Walang nakakaalam kung ano ang magiging future ng ating buhay. Pero kahit ano man ang kalalabasan at kahihinatnan ng takbo ng ating buhay, iyon ay dahil sa ating mga naging nagawang desisyon.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram



Alam naman natin na marami sa mga artista ang naging matagumpay sa kanilang career dahil sa kanilang mga roles na ginampanan sa mga palabas o pelikula na kanilang pinagbibidahan.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Isa na rito si Dimples Romana, na kung saan ay kaniyang naisaad sa isang interview sa Vlog ni Bianca Gonzales na pinamagatang “Paano Ba to”, maliban sa hindi malilimutang naging role niya sa teleseryeng “Kadenang Ginto” na kung saan siya ay isang kontrabida, malaki din ang naitulong sa kanya ng mga supporting roles niya sa ibang mga serye na kung saan nagawa ng aktres na makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Nasabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay hingan ng isang payo ng isang sender na kung saan ay ibinahagi ng sender na siya ay nahihirapan na sa paghihintay ng tamang oras para sa kaniyang pagsikat sa kanyang napiling propesyon.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Ibinahagi umano ng aktres ang kanyang pinagdaanan bago siya naging matagumpay at naiintindihan umano niya ang pakiramdam ng nasabing sender dahil siya mismo sa sarili niya ay pinagdaanan ang mga ito.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram



Saad din ng aktres na meron ding mga taong nagbigay ng mga komento sa mga naging roles niya dati bilang supporting aktres ngunit hindi ito naging hadlang para sa mga pangarap niya sa buhay at para saan nais niyang marating para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang pamilya.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Dedikasyon sa trabaho at tiwala sa kanyang sariling kakayahan ang naging sandalan at inspirasyon upang pagbutihin at ipagpatuloy ang kaniyang trabaho.

Naalala din ni Dimples na merong nag-kwento sa kanya na dati niyang katrabaho na meron umano itong muntik ng makasagutan habang namimili dahil sa naging komento umano nito sa isang serye na kinabibilangan ni Dimples, at ang sabi ay nanghihinayang umano ito sa talento ni Dimples dahil lagi na lang bestfriend ang kayang ginagampanan sa mga roles.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Ngunit para sa aktres ay pinalampas na lang niya ang bagay na ito dahil ayaw niya patulan ang mga bagay na negatibo na sinasabi sa kanya dahil maari daw itong makaapekto sa kanyang trabaho.

Sa huli, kahit na ang mga roles na ito ay maliit lamang saad ng aktres ay malaki ang naitulong sa kanya dahil nakapundar umano ito ng sarili niyang bahay at kung may dadating pa daw na roles na tulad nito ay bukal sa loob niya itong tatanggapin at gagampanan.

Image courtesy: Dimples Romana/Instagram

Sa huli ang payo ni Dimples sa sender na humihingi ng payo ay huwag ikumpara ang sarili natin sa iba dahil bawat tao ay may sariling timeline sa buhay. Hindi ito paunahan, kailangan mo lang maging matatag, matiyaga, mabait sa kapwa, determinado at may kusa sa lahat ng ginagawa, dahil kahit sino kapa, kahit ano ka pa, merong planong nakahanda ang Diyos sa ating buhay.

Akala natin ito na yung maganda para sa atin, pero ang inilaan sa atin at ibibigay ng Diyos ay ang pinakamabuti o ikabubuti ng ating sarili. Dagdag pa ng aktres, ano mang hirap ang ating dinaranas sa buhay, sige lang, dahil sa huli, lahat ng hirap at pagod na dinanas mo ay mapapalitan at masusukliian ng walang hanggang kaligayan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *