Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang loob ng kanilang tahanan bago pa man ito manirahan sa States kasama ang pamilya

Isa sa mga sikat na female singer ng ating industriya ay ang singer/rapper at vlogger na si Donnalyn Bartolome na nakilala dahil sa kaniyang hit song na “Kakaibabe” na inilabas noong taong 2014. Dahil sa kaniyang kagalingan sa pagkanta at sa kaniyang angking ganda, sumikat ito at nakilala kung saan mas dumami pa ang kaniyang mga tagasuporta mula ng simulan nito ang kaniyang pag-vlog sa Youtube.

Image courtesy: Instagram/Donnalyn Bartolome



Napakarami na nitong naibahaging videos sa kaniyang Youtube Channel at isa na nga dito ang kaniyang pinakabagong video ng kaniyang bahay sa Pilipinas. Ibinahagi ni Donnalyn ang house tour na ito upang maipakita sa kaniyang mga tagasuporta ang kanilang napakaganda ngunit simpleng bahay.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Instagram/Donnalyn Bartolome

Ayon sa aktres, ang bahay na ito ay ang kaniyang Family house noon at halos tatlong taon na itong nakatayo ngayon. Subalit dahil nakatira na ang kaniyang pamilya sa ibang bansa at siya na lamang ang naiwan sa Pilipinas, minabuti na iparenta na lamang nila ito upang ma-maintain ang ganda ng bahay.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Ito ay ikatlong bahay na ng pamilya ni Donna subalit ngayon pa lamang niya ipapakita ang loob nito dahil ayon sa aktres hanggat maaari raw ay ayaw nitong gumagawa ng mga house tour dahil posible raw itong maging agaw atensyon sa mga akyat bahay o magnanakaw. Pero dahil hindi na nila ito tinitirhan, naisipan niya na ibahagi ang ilang parte ng bahay para makita ng kaniyang mga tagasuporta.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome



Sa entrada ng kanilang bahay, simple lamang ang disenyo nito sapagkat white lamang ang tema ng kulay ng walls nito maging ang mga sofa sa kanilang living room.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Mayroon din silang clean kitchen at dirty kitchen sa unang palapag ng bahay. Ang katabing kwarto ng kusina ay ang kanilang first room na may sariling lavatory area.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Sa ikalawang palapag ng bahay ay makikita ang tatlong kwarto na may sariling built-in cabinets at built-in blinds. Isa lamang ang toilet area ng floor na ito kaya sharing ang kanilang restroom.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Samantala, ang Master’s bedroom naman ang pinakamalaking bahagi ng bahay sapagkat mayroon itong walk-in closet, living area at bathroom na may jacuzzi na may dalawang toilet seat.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Habang ang kwarto naman ni Donna ay sa itaas na bahagi ng bahay at mayroon itong sariling bathroom sa loob. Hindi gaanong kalakihan ang bawat kwarto ng kanilang bahay subalit masaya ang aktres at napakaraming memories ang kaniyang nabuo sa bahay na ito.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Kasalukuyan nila itong ipinarenta at nagbabalak na ibenta ito sa rightful buyer sapagkat titira na ang pamilya sa States kasama ang aktres. Malaki ang pasasalamat nito sa kanilang bahay dahil napakaraming memories ang kaniyang babaunin kasama ng mga bata.

Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome
Image courtesy: Youtube/Donnalyn Bartolome

Ayon pa sakaniya, ito na raw ang huling araw na makikita niya ang kanilang bahay sapgakat handa na itong lumipad papunta sa ibang bansa upang makasama ang kaniyang pamilya doon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *