Nagpakita ng suporta ang aktres na si Julia Barretto sa kakatayo lamang na resort ni Gerald Anderson sa Zambales

Matatandaan natin na nagkaroon ng matinding kontrobersya na kinaharap ang kilalang mga artista na sina Julia Barretto at Gerald Anderson kamakailan lamang. Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi suportahan ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang kaibigan na si Gerald sa bago nitong bukas na resort sa Zambales.

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram



Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram

Nito lamang katapusan ng Setyembre, kung ating dadalawin ang social media account ng aktor na si Gerald Anderson ay makikita ang post niya tungkol sa kanyang bagong negosyo na resort na tinatawag niyang Hayati Private Resort sa Botolan, Zambales at kasalukuyang ito ay bukas na at handa nang tumanggap ng mga bisita.

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram

Saad ng aktor sa kanyang post na sila ay handa na sa pagbubukas ng kanyang resort kung kaya pinakiusapan niya ang mga netizens na interasadong pumunta at mamasyal dito na sundan ang opisyal na page ng kanyang resort para sa mga updates or anunsyo.

Image courtesy: Gerald Anderson/Youtube

Dito lamang sa lugar umano na ito mararanasan at masasaksihan ang pinakamagandang tanawin nang paglubog ng araw. Makalaunan makikita na din ang post na ito sa wall ng aktres na si Julia na walang caption, sa halip ay ibinahagi niya lamang direkta ang anunsyo na ito ni Gerald sa kanyang stories sa social media.

Image courtesy: Gerald Anderson/Youtube
Image courtesy: Gerald Anderson/Youtube



Ang pagbahagi na ito ng aktres ay kasunod ng anunsyo niya sa pag alis sa Kapamilya talents at paglipat sa VIVA. Kung ating matatandaan na nauna ng ibinahagi ng aktor na si Gerald Anderson ang tanawin ng kanyang resort sa kanyang Vlog nito lamang nakaraang Agosto at nasambit din niya na siya mismo ay nandoon palagi upang makita at maayos niya ang disenyo nito na naaayon sa kanyang kagustuhan.

Image courtesy: Gerald Anderson/Youtube
Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram

Marami mang naging kontrobersiya ang dalawang artista subalit ito ay kanilang itinanggi sapagkat wala namang patunay sa mga alegasyon at saad pa nila na silang dalawa ay magkaibigan lamang na handang tulungan ang isa’t- isa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *