Assunta Del Rossi, Ipinakilala ang kaniyang napakacute na Miracle Baby na inantay niya ng halos 20 years

Naging emosyonal ang aktres na si Assunta De Rossi mula ng malaman nito na siya ang nagdadalang tao matapos ang mahigit 20 years na paghihintay nitong siya ay mabuntis. Ibinahagi niya ito agad sa kaniyang mga kapamilya maging sa kaniyang Instagram account sapagkat masayang masaya ito at pinakinggan na ng Panginoon ang kaniyang dasal.

Image courtesy: Instagram/assuntaledesma



Naging maselan man ang ilang buwan na pagbubuntis ni Assunta, kinaya pa rin nito ang lahat upang maisilang ng healthy ang kaniyang baby. Halos dalawang buwan raw itong nakaranas ng pagkahilo, fatigue, nausea at heartburn kung saan kinailangan niyang magpahinga ng mabuti upang maging successful ang kaniyang pregnancy journey.

Image courtesy: Instagram/assuntaledesma

Kaya naman noong Oktubre 24, 2020 masayang ipinakilala ni Assunta sa kaniyang Instagram account ang kaniyang firstborn baby daughter.

Image courtesy: Instagram/assuntaledesma

“GIULIA- Just like how you pronounce Julia (sorry, no letter J in the italian alphabet) as a tribute to her paternal great-grandfather, Don Julio.

FIORENTINA- as a tribute to her paternal great-grandmother, Dona Florentina a.k.a lola Puring (lola’s name is the Spanish version)

Image courtesy: Instagram/assuntaledesma

Alessandra- as a tribute to my sister and our lola Alejandra a.k.a Inang. Plus, I like its meaning, defender/protector. 

So there you have it! I hope she knows how much we wanted her. #Miraclebaby,” caption ng aktres sa kaniyang Instagram account na may litrato ng kaniyang baby daughter.

Image courtesy: Instagram/assuntaledesma

Maging ang kaniyang kapatid na si Alessandra ay tuwang-tuwa na makita ang kaniyang pamangkin sapagkat napaka-cute nito at napakatangos ng kaniyang ilong na nagmana sa kaniyang Ina.

“This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. Almost 20 years in the making! Miracles happen everyday, and this one is the best!”

Image courtesy: Instagram/assuntaledesma



Image courtesy: Instagram/msderossi

“My sister is now a mother and…Di ako makaget over. I’m so proud of you @assuntaledesma!! What a brave woman! Sobrang cute ni Fiore. Lagi kasi siyang malikot sa tyan pag dinadalaw ako dati. So nagsmile siya sa akin…” pagbabahagi nito sa kaniyang caption.

Image courtesy: Instagram/msderossi
Image courtesy: Instagram/msderossi

Kahit sa kasagsagan ng pandemyang ito, masayang-masaya si Assunta at nailabas niya ng safe at healthy ang kaniyang baby. Para sakaniya ay tila isa talaga itong miracle from heaven sapagkat 20 years ang kaniyang hinintay upang siya ay biyayaan ng Panginoon ng munting anghel.

Image courtesy: Instagram/msderossi

Isang bagay kase kung bakit hirap itong mabuntis noon ay mayroon daw siyang myoma at endometriosis kung saan ito ang humahadlang kung bakit hirap siyang mabuntis noon. Kaya naman hindi siya makapaniwala pinakinggan ng Panginoon ang kaniyang panalangin. Naging mahirap man ang kaniyang pinagdaanang laban ay patuloy pa rin itong nanalig sa Panginoon.

Image courtesy: Instagram/msderossi

Congrats Assunta! Godbless your Baby Fiore!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *