Ibinahagi ni Mimiyuuuh sa netizens ang kaniyang bagong bili na bahay, “Ang katas ng pagyoutube”

Kamakailan lamang ay nagpasulyap si Online sensation Mimiyuuh ng kaniyang pinakabagong ari-arian na kailan lamang ay kaniyang binili. Munting pasulyap ng kaniyang tahanan para sa kaniyang mga fans, isang patunay lamang ng tagumpay ni Mimiyuuuh.

Image courtesy: mimiyuuuh/Instagram



Ang dalawampu’t tatlong gulang na youtuber ay proud na proud dahil naabot na niya ang kaniyang pangarap na tahanan para sa kaniyang sarili at pamilya.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Kaniyang ibinida ang iba’t-ibang parte ng kaniyang bahay, mula garahe, silid-kainan, kitchen, banyo, at silid-tulugan na may sariling banyo at walk-in closet.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Saad ni Mimiyuuuh na dati-rati sa kanilang lumang bahay ay tatlo silang naghahati-hati sa iisang kwarto ngunit ngayon sila ay may sari-sariling kwarto na kung kaya ang kaniyang tawag doon ay upgrade, b***ch. Pabiro ni Mimiyuuuh.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube
Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Ibinahagi pa ni Mimiyuuuh sa kaniyang pahayag na hindi pa totally finished ang dream house dahil para sa kaniya, “once step at a time.” Na dapat lamang talaga na unti-untiin ang mga bagay-bagay pagdating sa pagpapatayo ng magarbong tahanan.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube
Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Ayon pa sa kaniya, hindi raw dapat minamadali ang kaniyang sarili. Sa totoo pa nga, si Mimiyuuuh at kaniyang pamilya ay nagdala pa rin ng mga ibang kagamitan na nanggaling mula sa kanilang lumang tahanan.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube



Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Isa na dito ay ang kaniyang pink na dress na isa sa mga naging instrumento upang mas madali siyang makilala bilang Mimiyuuuuh mula nang siya’y nagsimula sa vlogging. Ibinahagi niya na isa ito sa mga pinaka-request ng mga fans na dalhin niya ang damit na iyon mula nang kanilang malaman na sila’y lilipat na ng bahay.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube
Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Sino nga ba si Mimiyuuuuh, ito ay karagdagang detalye tungkol kay Mimiyuuuh, siya ay ipinanganak at bininyagan sa pangalan na Jeremy Sancebuche, isang online content creator, vlogger, at model na humakot ng popularidad nang siya’y nagtrending sa online.

Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube
Image courtesy: mimiyuuuh/Youtube

Nang kaniyang suungin ang industriya ng pagiging youtuber noong 2019, siya ay mayroon nang tatlong milyong tagasubay-bay sa YT. Ang pinaka-iconic na linya ni Mimiyuuuh ay ang “It’s your girl, mimiyuuuuuh, Yeah. and Skrrrrt!”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *