Judy Ann Santos, naghanda at namigay ng halos 300 food packs para sa mga frontliners kahit na bumabagyo

Kahit gaano na karami at kahirap ang pinagdaanan ng ating bansa ngayong taon dahil sa pandemyang  ito at maging narin sa mga bagyong dumaan, hindi pa rin nawawala sa ang pagiging matulungin ng bawat Pilipino sa kanilang mga kapwa Pinoy. Marami pa rin ang may busilak ang puso na nagbibigay ng tulong sa iba kahit sa maliit lamang na paraan.

Image courtesy: Instagram/officialjuday



Isa na rito ang aktres na si Judy Ann Santos na patuloy ang kaniyang pagbibigay ng tulong lalong lalo na sa ating mga frontliners. Bukod sa mga donasyon na kaniyang naipamigay na sa mga nangangailangan, siya rin mismo ang hands-on sa pag-aasikaso pagdating naman sa pagbigay ng rasyon na pagkain para sa ating mga mga kababayan.

Image courtesy: Instagram/officialjuday

Sa katunayan, kahit bumabagyo noong isang araw ay sinikap niyang matapos at maihanda ang halos mahigit kumulang na 300 food packs na kanilang ipamimigay sa mga frontliners sa tulong na rin ng kaniyang greencross family.

Image courtesy: Instagram/officialjuday

Ayon sa aktres,  simula 5 am pa lamang ng umaga ay nagsimula na silang magluto at mag-repack ng mga pagkain sa kani-kanilang mga lagayan kahit kasalukuyang lumalakas ang bagyo.

Image courtesy: Instagram/officialjuday

“Today was a good day… we had the privilege to make 300 food packs to our frontliners c/o my greencross family. Thank you so much for the trust! And a big shout out to our cast members na kahit may bagyo, at 5 am they were all in westgate to start the prep already. We had all our cast members (including us) undergo swab testing as part of our safety protocols and they all tested negative!”

Image courtesy: Instagram/officialjuday



Sumailalim pa raw ito sa swab test para lamang masiguro na safe ang kanilang mga ipamimigay na pagkain para sa ating mga kababayan. Todo suot raw sila ng PPE uniform at lahat ay sumailalim sa safety protocols upang hindi macontaminate ang mga pagkain.

Image courtesy: Instagram/officialjuday

“…walang bagyo bagyo sa pagbibigay ng malasakit sa kapwa… libre at masarap sa pakiramdam ang magpakita ng malasakit at appreciation hindi lang sa ating mga frontliners. kundi sa lahat ng kapwa natin”, pagbabahagi ng aktres.

Image courtesy: Instagram/officialjuday
Image courtesy: Instagram/officialjuday
Image courtesy: Instagram/officialjuday

Napakasarap kasi sa pakiramdam ang makatulong sa iyong kapwa kaya naman hangga’t kaya niya ay sinusubukan ni Juday na makapagbigay at maka-abot ng tulong sa iba kahit sa pamamagitan lamang ng paghanda at pagluto ng mga pagkain.

Maging ang kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo ay todo todo ang suporta sa aktres kung saan siya mismo ang kumukuha ng mga litrato upang ma-document nila ang mahalagang araw na iyon.

Image courtesy: Instagram/officialjuday

Tila isa ngang blessing ang aktres dahil sa kaniyang pagbibigay ng suporta at tulong sa iba kaya naman napakarami ang humahanga sa kaniya. Walang ka-arte arte ang ating paboritong idolo na si Juday! Godbless idol!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *