Kilalanin ang pangatlong anak ni Regine Tolentino na nagngangalang Rosie Rignée

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa napaka active pagdating sa mga usapang fitness na si Regine Tolentino na kamakailan lamang nitong taon ay nanganak sa ikatlo niyang anak na pinangalanan niyang Rosie.

Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram



Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram

Simula noon ay hindi mapigilan ng aktres na ibahagi ang mga nag-gagandahang litrato ng kanyang baby sa social media na talaga namang hinangaan ng mga netizens sa taglay nitong cuteness na nakakapagbigay ng good vibes sa sinumang tao na makakakita ng litrato nito.

Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram
Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram

Dahil rin sa mga netizens na humanga sa anak ng dancer na si Regine ay nagdesisyon umano ito na gawan na ang kanyang anak ng sariling social media account na kung saan masusubaybayan mo ang isang maraming nakakaaliw at nakakawala ng pagod na mga litrato ni Rosie. Kasalukuyang umaabot na sa mahigit apat na libo na ang followers ng baby ni Regine Tolentino na si Rosie.

Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram

Sa isang panayam kay Regine Tolentino, inamin nito na isang malaking pagsubok sa kanya ang panganganak niya sa kanyang baby na si Rosie dahil sa panahon na iyon ay kakasimula pa lamang ng lockdown na isinagawa ng gobyerno.

Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram



Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram

Marso 17 niya ipinanganak ang kanyang munting anghel at kung ating matatandaan na nagsimula ang nationwide lockdown ay Marso 15 nito lamang taon. Kahit sino namang ina ay matatakot sa mga panahon na iyon lalo na alam mong ikaw ay manganganak.

Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram
Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram

Saad din ng aktres na sobrang stress at pag-aalala ang kanyang pinagdaanan ng mga panahon na iyon dahil yung mga araw na siya ay nanganak ay kailangan ilayo muna sa kanya ang kanyang anghel dahil nagkaroon umano si Baby Rosie ng Pneumonia na talaga naman ikinabahala ni Regine Tolentino.

Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram
Image courtesy: Rosie Rignée/Instagram

Pero ika nga ng mga nakakarami na God is Good dahil hindi nagtagal ay gumaling ito at naiuwi rin ng dancer ang kanyang anak na si Rosie. Makikita naman sa mga post ng aktres na sa kasalukuyan ay maganda ang kalagayan ng kalusugan ng kanya bunsong anak na si Rosie.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *