Ipinagdiwang nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang ika-16th birthday ng kanilang anak na si Yohan

16 na taon na ang nakalipas mula ng inalagaan at inaruga ni Judy Ann Santos ang kaniyang adopted daughter na si Yohan. Bago pa man magkaroon ng sariling pamilya ang aktres ay si Yohan na ang kaniyang naging sariling pamilya noong dalaga pa lamang ito kaya naman may special bond ang dalawa kahit na may biological kids na ngayon si Juday.

Image courtesy: Instagram/officialjuday



Image courtesy: Instagram/officialjuday

Si Yohan ang dahilan kung bakit mas naging buo ang pagsasamahan nina Ryan at Juday sapagkat naipamalas ng aktor na kaya niyang mahalin ang bata katulad ng pagmamahal niya kay Judy Ann. Kaya naman kahit mayroon na silang mga anak ay si Yohan pa rin itinuturi nilang ate ng pamilya na tila ba siya talaga ang kanilang pinaka unang anak.

Image courtesy: Instagram/officialjuday
Image courtesy: Instagram/officialjuday

Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-16th na kaarawan ni Yohan, pinagplanuhan ni Juday ang isang espesyal na birthday celebration para rito kahit na sila ay kasalukuyang naka stay-at-home.

Image courtesy: Instagram/officialjuday
Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo

Happy sixteenth baby love… oh how i wish i could still cuddle you from the first day i fell in love with you… you have grown so fast! So fast, that i want to turn back time to the day that you were so inlove with a mascot and would bring me and daddy so much joy just watching you so happy! You will always be my first love sweetheart… you are one of God’s greatest blessing and will forever be mommy and daddy’s baby girl! We love you so much sweetie pie… I know, in my heart… that we were meant to be… #yohan16. Thank you to everyone who made our baby girls bday extra special!”

Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo
Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo

Tila napakaswerte ng batang ito sapagkat minahal siya ng buo nina Ryan at Judy Ann na tila ba kaniyang sariling anak. Nahirapan man silang ipa-alam sa bata ang kaniyang totoong kinagisnan ay naturuan naman nila ito ng maayos at tila napalaki ng mabuti sapagkat ipinaramdam nila ang tunay na pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak.

Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo
Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo
Image courtesy: Instagram/officialjuday



Kaya para sa espesyal na araw na ito ay hindi pinalampas ng aktres na mabigyan siya ng munting surpresa upang mas sumaya at maramdaman na ito ay parte ng kanilang pamilya. Sa edad na 16 na taong gulang ay lumalaking maganda, mabait na anak at maalagang ate si Yohan sa kaniyang mga kapatid.

Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo
Image courtesy: Instagram/officialjuday

Kahit sila-sila lamang ang nagcelebrate para sa kaarawan ni Yohan, kitang kita ang saya ng dalaga para sa simpleng birthday celebration na inihanda ng kaniyang Mommy Juday.

Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo
Image courtesy: Instagram/ryan_agoncillo
Image courtesy: Instagram/officialjuday

Happy Birthday Yohan! May Godbless you!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *