Bianca Gonzales, buong tapang na ipinakita ang kaniyang Acne Breakout at nagbigay ng payo para sa mga kababaihan tungkol dito

Isa sa pinakamahirap na parte ng pagiging isang artista ay ang mapanatili ang kanilang angking ganda at hubog ng pangangatawan sapagkat ito ang kanilang puhunan para sa successful na career sa industriya.

Kadalasan ay perfection ang hanap ng mga netizens sa kanilang mga iniidolo kung kaya’t makakita lamang sila ng mali sa isang artista ay tila ginagawan na nila agad ito ng katatawanan at issue na kung sa tutuusin ay hindi naman dapat.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca



Kaya naman katulad ng aktres na si Bianca Gonzales na kamakailan lamang ay nakaranas ng skin breakout sa kaniyang mukha, agad niya itong ibinahagi sa kaniyang Instagram account upang makapagbigay ng awareness sa mga netizens lalong lalo na sa mga kababaihan na nakakaranas nito at para na rin hindi ito gawing katatawanan ng ibang tao.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

Na-alarma ang ilang tagasuporta ni Bianca sa kaniyang naging kalagayan matapos niyang ibahagi ang isang litrato kung saan makikita na ang kaniyang mukha ay punong-puno ng tigyawat o kaniyang tinatawag na ‘acne breakout’.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

Ayon sa aktres, sensitibo raw ang kaniyang balat kung kaya’t iilan lamang ang mga produkto na kaniyang ginagamit sapagkat ito lamang ang mga produkto na siya ay hiyang. Subalit dahil na rin sa madalas na work from home ang aktres at sunod-sunod ang stress at trabaho na kaniyang hinaharap, ito ang naging dahilan kung bakit nagsimula siyang magkaroon ng acne.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

“No filter. Obviously. I know this might raise eyebrows or make some people say “yuck”, but I shared a picture of my skin breakout a few days ago on stories and got overwhelming messages from so many of you. What I posted was, ‘ I know that you are not alone.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

As a short back story, I tried a retinol cream at yun pala, hindi ako hiyang. I consulted my doctor and she helped me with it. This whole quarantine I have not gone to the derma. I have just stuck to my personal no-fail few skin care steps… nung nag-try ako ng bago, ayun, nalagot.”

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca



Ang isang bagay kung bakit mas lumala ang mga ito ay dahil sa kadahilanan na bigla raw itong gumamit ng ibang produkto sa kaniyang mukha na kung saan ay hindi naman pala siya hiyang. Bigla raw kasi siyang sumubok ng retinol cream kung saan hindi naman pala niya talaga ginagamit noon. Ito raw ang maling bagay na kaniyang nagawa subalit ibinabahagi lamang niya upang makatulong sa iba lalong lalo na sa mga kababaihan.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

“Again, yes napakaraming mas malaking problema, but I feel you na nakakababa talaga ng self-esteem kapag nag-breakout, lalo at madalas sa WFH, mukha talaga natin ang nakikita ng iba. I also got so many recommendations and suggestions from you, maraming, maraming salamat! I appreciate it! Ito na, natutuyo na ang mga pimple isa isa”, pagbabahagi ng aktres.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

Payo ni Bianca, huwag mag-atubili at mahiya na ibahagi na ang mga ganitong klaseng problema dahil maraming tao ang nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon at tila naghahanap rin ng comfort sa kanilang kapwa. Magbigay ng awareness sa iba upang mas maging open ang isa’t isa sa mga ganitong klaseng sitwasyon lalong lalo na sa mga kababaihan.

Image courtesy: Instagram/iamsuperbianca

“So, to anyone suffering from acne, don’t think ‘youre not supposed to feel bad’ about such a ‘small problem’. Your feelings are valid! Consult a derma if you can sa Telemedicine apps. And know na hindi ka nagiisa”, dagdag pa ng aktres.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *