Kilalanin ang napakacute na baby daughter ni JC Santos na nagngangalang River Altheia

Naaalala mo pa ba ang palabas na pinamagatang “100 Tula Para Kay Stella” na pinagbidahan ng kilalang aktor na si Jc Santos? Dahil nito lamang taon na ito ay naging isang ganap na ama na siya nang manganak ang kanyang Non- Showbiz partner na si Shyleena Herrera.

Image courtesy: JC Santos/Instagram



Nito lamang din mga nagdaang mga buwan ay nagbahagi umano ang aktor ng mga litrato ng kanyang anak na babae na si River Altheia na talaga namang sobrang ganda at cute nito. Lalo din humanga ang netizens dahil makikita sa mga litrato na ibinahagi ng aktor na pinaparamdam umano nito kung gaano niya kamahal at kung gaano din siya kaproud sa kanyang panganay na anak.

Image courtesy: JC Santos/Instagram

Napansin umano ng mga netizens ang mga pagbabago sa buhay ng aktor dahil simula ng ipinanganak ang kanyang anak na si River ay naging open ito sa mga bagay na kanyang ginagawa kasama ang kanyang anak. Tulad na lamang kung paano siya nagiging ama sa oras na mahawakan niya ang kanyang anak na si River.

Image courtesy: JC Santos/Instagram



Ang mga bagay naman na ito ay ikinatuwa ng mga tagahanga at taga-subaysay dahil nakikita nila kung gaano kasaya ang aktor sa bawat litrato na kanyang pinapakita sa social media at dagdag pa ng mga netizens na sobrang cute ang tandem ng mag-ama na hindi mo kasasawaang tingnan.

Image courtesy: JC Santos/Instagram

Kung ating natatandaan na si Jc Santos at ang kanyang asawa na long time crush na rin pala niya noong high school na si Shyleena Herrera ay nagpakasal nito lamang Enero na talaga namang ikinagulat ng nakakarami.

Image courtesy: JC Santos/Instagram

Inamin din ng aktor na maraming naging pagbabago sa kanyang buhay simula ng lumabas ang kanyang munting anghel lalo na sa panahon ngayon na marami ang pinagdadaanan ang buong bansa. Kahit ganoon pa man, gagawin umano ng aktor ang lahat upang maging isang mabuting ama at asawa sa kanyang pamilya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *