Ibinahagi ng pamilya ni Matteo Guidicelli ang kaniyang mga larawan sa buong 30 years nilang magkakasama

Nito lamang nagdaang Marso, sa ika- 30 kaarawan ng aktor na si Matteo ay ibinahagi ng kanyang pamilya ang isang sandamakmak at pambihirang mga litrato nito upang makita ng mga netizens. Ang karamihan sa mga kuha sa litrato na ibinahagi ay nagsimula noong siya ay bata pa hanggang sa magkaroon ng asawa at ikasal siya sa kilalang singer na si Sarah Geronimo.

Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram
Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram



Marami sa mga Netizens ang humanga at natuwa sa mga litrato na ibinahagi ng kanyang pamilya. Kasama din ni Matteo sa mga litrato na ito ay ang kanyang mga magulang at kapatid, sabay sabay naman din nagbahagi ang kanyang pamilya ng iba’t ibang mensahe na naghahatid ng labis na pagmamahal para sa aktor na talaga namang nakakatunaw ng puso sa sinumang makakabasa ng mga ito.

Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram

Si Matteo ay kanilang inilarawan bilang isang mapagmahal at responsableng tao lalo na pagdating sa pamilya dahil mas pinipili umano nito na makasama ang kanyang pamilya sa mga araw na siya ay may oras.

Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram
Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram

Kung ating matatandaan nito lang ding taon na ito ay nagpakasal ang aktor sa kilalang aktres at singer na si Sarah Geronimo na talaga namang ikinagulat at ikinatuwa ng mga netizens.

Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram
Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram



Napabalita din na ang mag-asawang Guidicelli ay nagdaos ng kanilang honeymoon sa isang pribadong isla na tinatawag na Amanpulo, at sa sobrang pribado ng isla na ito ay kailangan mo pa mag arkila ng sarili mong private plane upang mapuntahan ito.

Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram
Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram

Marami sa mga netizens ang nabighani sa mga litrato na kanyang ibinahagi sa social media ng manggaling sila sa Amanpulo dahil sa taglay nitong kagandahan at dahil na din sa mga balita na kung sino pang mga kilalang personalidad na ang nakapunta na rito.

Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram
Image courtesy: Matteo’s Family/Instagram

Sa kabila ng mga pagsubok at kontrobersiya na kinaharap ni Matteo at ng kanyang asawa na si Sarah ay nanatili pa din silang malakas at matatag ang pagsasama dahil ang tunay na pagmamahal ay walang sinuman at anuman ang makabubuwag.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *