Isang ganap na dalaga at binata na ang kambal na anak ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Naalala mo pa ba ang mga panahon kung saan ang pamilya ng mag asawang Aga at Charlene Muhlach ang mukha ng kilalang fast food chain sa Pilipinas na Jollibee? At talaga namang nakakatakam ang mga eksena rito ngunit mas humanga ang mga dating nakasubaybay sa patalastas na ito dahil sa kambal na anak ng mga Muhlach na sina Andres at Atasha.

Image courtesy: loveandresandatasha/Instagram
Image courtesy: loveandresandatasha/Instagram



Sa ngayon ang kambal ay ganap ng dalaga at binata, at kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga netizens sa mga taglay nitong kagandahan at kagwapuhan. Feel old yet na ba ang peg natin dito dahil sa bilis nang paglipas ng panahon hindi na natin namalayan na ang mga dating chikiting at sobrang cute na mga anak nina Aga at Charlene ay mga ganap ng teenager?

Image courtesy: loveandresandatasha/Instagram

Nito lamang mga nagdaang mga taon ay muli nating nakita ang pamilyang Muhlach sa patalastas ng Jollibee na kasama ang mga anak na kung saan nagkaroon pa ng mga flashback nang dati niyang komersyal kasama ang kanyang buong pamilya na pinapakita rin ang kanyang kambal na anak na sina Atasha at Andres.

Image courtesy: loveandresandatasha/Instagram



Dahil dito natuklasan ng netizens ang mga pagbabago sa kambal na Muhlach na talaga namang ikinatuwa nila at humantong pa sa pagkakaroon agad ng kambal ng mga tagahanga. Hindi inaakala ng mga netizens na makikita nila muli ang pamilyang Muhlach sa komersyal ng Jollibee dahil sa tagal nitong nagpahinga sa pagharap sa showbiz.

Image courtesy: loveandresandatasha/Instagram

Kung ating matatandaan na si Aga Muhlach ay matagal nawala sa showbiz at nito lamang mga nagdaang taon ay muling nagbalik ito para gampanan ang kanyang role sa mga latest movie niya na pinamagatang 7 Sundays at Filipino Adaptation ng Miracle in Cell No. 7 na talaga namang hinangaan ng maraming mga Pilipino dahil sa walang kupas at galling sa pag arte ng aktor.

Image courtesy: loveandresandatasha/Instagram

Sadyang napakabilis ng panahon na hindi natin namamalayan na ang ating mga iniidolo ay unti-unti nang nagkakaedad, maging ang kanilang mga anak ay nagdadalaga’t binata na. Nakakatuwa pagmasdan dahil parang naging parte na rin ng buhay natin sila.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *