Sa Enchanted Kingdom nagdiwang ng ikalawang anibersaryo ng kanilang pagmamahalan sina Ion Perez at Vice Ganda

Maraming pagsubok man ang humamak sa pagmamahalan nina Ion at Vice ay walang makakapigil sa kanila dahil tunay silang nagmamahalan. Matatandaan kamakailan na ang host ng kilalang programang Showtime na si Vice Ganda ay umamin sa relasyon nila ni Ion Perez na bahagi din ng nasabing programa.

Image courtesy: Vice Ganda/Instagram



Umani ito ng iba’t ibang komento mapapositibo at mapanegatibo, subalit kahit ganun pa man ay hindi nabuwag ang kanilang pagmamahalan sapagkat mas tumibay ito. Neto lamang mga nakaraang araw ay nag-post umano ang sikat na host sa kanyang social media account na nagpapakita ng kanilang pagdiriwang ni Ion sa Enchanted Kingdom.

Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Marami sa mga netizens ang nabihag sa vlog na ito dahil sa sweet ng content na mapapanuod. Ang Vlog na ito ni Vice Ganda ay pinamagatang niyang “Happy Twogether” at sa bungad pa lamang ng bidyo ay nagsaad ang host na dahil espesyal ang araw na iyon ay kailangan nila magdiwang dahil isa ito sa mga bagay o araw na hindi dapat pinapalampas.

Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Mapapanuod din sa vlog ang mga rides na sinakyan nina Ion at Vice Ganda na magkasama tulad na lamang ng Carousel, Bump Car at Air Race. Marami sa mga netizens ang natuwa sa nakita nila sa bidyo at nagpabatid ng kanilang pagbati sa host at kay Ion Perez.

Image courtesy: Vice Ganda/Youtube



Makalaunan ay kumain sina Vice at Ion sa “Wheel of Faith” kung saan nagbahagi siya ng kanyang mga naramdaman at ang kanyang pananaw sa araw na iyon. Saad niya na ito ang kauna unahang beses na naranasan niya ang mga bagay na iyon, pakiramdam din ni Vice na dahil sa karanasan na iyon ay pakiramdam niya na bumabata siya.

Image courtesy: Vice Ganda/Instagram

Akala niya noong una, sa pelikula lamang nararanasan ang mga ganitong klaseng kasiyahan at bagay ngunit nagkamali siya dahil sa araw na sila ang nagdiwang ng kanilang anibersaryo ay naramdaman niya ang sobrang saya na may kasamang pagmamahal.

Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Dagdag pa ng host na wala ng kailangan pang gawin ang kanyang partner dahil sapat na nandiyan si Ion sa kanyang tabi at tunay siyang mahal. Dahil dito naging emosyonal ang paligid na kung saan makikitang umiyak na lamang si Vice at si Ion.

Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Nag alay din si Vice ng kanta para sa kanyang Ion at bago pa man matapos ang kanta ay sobra na ang emosyon na nararamdaman ng dalawa na humantong ito sa isang yakapan.

Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Banat naman ni Ion para kay Vice na paulit ulit umano nito na sasabihin na mahal niya ang host at ipararamdamn niya ito hanggat kaya niya. Napagtanto umano ni Ion na siya siguro ay ipinanganak siya upang mahalin ang nag-iisang Vice Ganda.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *