Ibinahagi ng ina na si Marian Rivera ang napaka-cute costume ng kaniyang anak na si Zia Dantes

Marimar at si Sergio ang isa sa mga hindi malilimutang ginampanang tambalan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa palabas na pinamagatang “Marimar” na talaga namang tumatak sa puso ng mamayang Pilipino noong 2007 hanggang 2008.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Lumipas ang maraming taon at sa huli nagpakasal na din ang ngayo’y mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Biniyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak na sina Sixto at Zia na talaga namang mapapahanga ka sa taglay nitong kagwapuhan at kagandanhan.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Sa mga lumipas na panahon marami ang naka-antabay sa mga post ng aktres na si Marian Rivera tungkol sa kanyang mga anak dahil marami sa mga netizens ang natutuwa sa taglay nitong talino at ka-kyutan.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Nito lamang nagdaang Nobyembre 1 sa araw ng selebrayon ng All Soul’s Day at Halloween ay marami na namang mga netizens ang napahanga nang panganay na anak ni Marian at Dingdong na si Zia sa kanyang m-ala Princess Jasmine ng Alladin na kagandahan.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Umani ang post na ito sa social media ng isang katerbang komento at positibong reaksyon sa mga netizens na nakakita sa mga litrato.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Karamihan ng mga komento ay pinapabatid kung gaano kaganda si Zia na kung saan meron pa ngang nag-saad na lagi nitong inaabangan tuwing meron bagong litrato na ipopost si Marian tungkol sa anak at lalo na kapag mayroong okasyon dahil sa mga suot nitong damit.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Meron ding nag-saad na netizen na best in costume na umano ang anak ni Marian na si Zia at hindi umano ito nakakasawang tingnan ng buong araw. Kahit ano pa man ang ipasuot kay Zia ay siguradong ito ay babagay dahil mana umano ito sa kanyang ina.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Kamakailan lamang nag trending din ang isang Video na ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account na ipinapakita na ang anak nilang bunso ay nag rerecite ng alpabeto na talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *