Malaking pagbabago sa buhay ng Ex-PBB Housemate na si Ryan Bacalla ang kaniyang ibinahagi sa mga netizens

Marami na tayong nasilayang iba’t ibang klase ng tao na labas pasok sa bahay ni Kuya nitong mga nagdaang taon na talaga namang inantabayanan at sinubaybayan ng taumbayan. Samo’t saring mga ugali at galing ang ating natuklasan na magpahanggang sa ngayon ay ating hinahangaan.

Image courtesy: Ryan Bacalla



Nasaksihan natin ang iba’t ibang mga tao na nanalo sa patimpalak na ito tulad ni Nene Tamayo na nanalo sa unang season ng PBB at sinundan pa ng mga iba pang mga naging housemate at sa ngayon ay mga sikat na ding artista.

Madami din sa mga naging housemates ang gumulat satin sa mga nagdaang taon dahil sa kanilang mga pasabog sa buhay. Isa na dito si Ryan Bacalla na kahit hindi nagtagumpay masungkit ang panalo at hindi rin nagpatuloy sa pagiging artista ay kilala pa din ng napakaraming Pilipino dahil isa siya sa mga housemate na tumatak sa puso ng mga tagasubaybay.

Si Ryan Bacalla ay taga Cebu at tinagurian “Kid Sunshine of Cebu” sa PBB 737 edition. Hinangaan siya ng nakakarami dahil sa pagiging open nito sa kanyang kagustuhan sa buhay.

Image courtesy: Ryan Bacalla/



Taas noo niyang pinagmalaki ang kanyang pagkatao bilang isang gay at isa siya sa mga nagmulat sa mga Pilipino na huwag maging mapang-api sa mga tulad niyang parte ng LGBT.

Sa ngayon marami ang nagulat nang muli nilang makita ang litrato ni Ryan Bacalla na talaga namang mapapanganga ka sa sobrang ganda nito at talaga namang pinanindigan niya ang kanyang sinabi at malaya na niyang naipaparating ang kanyang nararamdaman bilang isang miyembro ng LGBT community.

Marami sa mga Netizens ang nagsabi na mukha na talagang ganap na babae si Ryan at umani ito ng sari saring reaksyon ng mga netizens dahil sa taglay nitong kagandahan.

Na evict man si Ryan ng maaga sa bahay ni kuya ay napatunayan naman niya ang kanyang mga sinasabi at naipaabot niya sa karamihan ng mga tao na matibay ang kanyang paninindigan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *